Sawing Storyteller

6/13/2014 stanleychi 0 Comments



Hindi lahat ng makikilala mo ay automatic na kaibigan mo, may mga tinatawag na acquaintances, collegues, work buddies at buddy buddies. Hindi porke’t magka-Fb kayo o fina-follow niyo ang isa’t isa sa Instagram ay super close na kaagad kayo at pwede na kayong magsabihan ng mga personal problems. Kagaya ni Linda na feeling close kaagad sa lahat ng makilala niya kahit saan, ultimong tindero sa palengke ay kino-consider niyang kaibigan.

Sawing-Storyteller

Sa dami ng pinagsasabihan niya ng problema, halos buong barangay ata ay kilalang-kilala siya. Ang hindi niya alam ay pinag-tsitsismisan na siya ng mga tao at halos lahat ng makasalubong niya ay ayaw na siyang kausapin.

Ayokong matulad kayo kay Linda kaya eto ang maipapayo ko sa mga mahilig magkwento ng mga personal problems nila.

  1. Huwag magkwento kung kani-kanino. Hindi interesado ang lahat ng tao sa mga problema mo, baka sa kakakwento mo ay magamit pa yang mga kinu-kwento mo laban sayo.
  2. Piliin mo ang kukwentuhan mong tao. Siguraduhin mong hindi madaldal ang taong kukwentuhan mo, lalo na kapag sinabi mong huwag niyang sasabihin ito kahit kanino. Maraming madaldal na tao na hindi marunong magtago ng sikreto.
  3. Matutong magdasal. Alam mo, kung dinaan mo na lang sa pagdarasal ang problema mo, mas giginhawa pa ang pakiramdam mo. Sigurado ka pang hindi ito malalaman ng kahit sino, marunong magtago ng sikreto si Lord. Try mong sabihan siya ng problema mo, now na.
  4. Huwag kang masyadong madaldal. Kung likas na sayo ang magkwento, piliin mo lang ang mga ikukwento mo. Kumbaga sa libro, bago mo i-publish ipa-edit mo muna.
  5. Piliin ang kakaibiganin. Alam mo na siguro kung bakit, para hindi ka ilalaglag kung kani-kanino. Kilatisin mo muna ng mabuti ang isang tao bago mo kaibiganin. Hindi ito madali, it takes time pero kung makahanap ka ng totoong kaibigan… Worth it ito.

Sana ay may natutunan kayo at huwag niyong tutularan si Linda, tandaan niyo na mas ok nang sarilinin ang problema kesa malaman ito ng buong madla. Ipag-pray mo na lang at gawan mo ng paraan ang iyong mga problema para hindi ka nalulungkot mag-isa.

0 comments:

Have anything to share? Do it here!