6 Pinoy Statement Shirt Brands You Should Really Wear

6/13/2014 stanleychi 0 Comments



Ang statement shirts ay nagsasalamin ng iyong saloobin, baka may mga gusto kang paringgan o may hindi ka masabi kaya idadaan mo na lang sa pagsuot nito.

Mahilig akong magsuot ng statement shirts kaya madalas akong bumili nito. Mas rare o limited edition, mas ok. Para ikaw lang ang meron, pero hindi rin maiiwasan na magkaroon ka ng kaparehas na t-shirt. Huwag mo lang siyang masasabayan sa isang lugar at baka mapagkamalan kayong may song and dance number.

Filipino Statement Shirt Brands FTW

Sa dami ng naglalabasang mga statement shirts kung saan-saan, meron sa mall, online at sa mga bazaars, ito ang mga marerecomenda ko na the best para sa akin sa Pilipinas (In no particular order).

1st Pinoy Statement Shirt Brand:
Team Manila

Sa quality at design, saludo ako. Ang ganda at napaka-unique ng concept nila, Pinoy na Pinoy at swak na swak sa panlasa ng mga kabataan. Maganda rin ang fit nito at sosyal ang datingan. Order online at www.teammanila.com

Team Manila

Photo from www.teammanila.com

2nd Pinoy Statement Shirt Brand:
BNO Tees

Hindi lang ito para sa mga fans ng Boys Night Out sa Magic 89.9 FM, dahil kahit sino ay makaka-relate sa mga designs nila. Ngayon masusuot mo na ang mga shirt designs na Momol, Momota, Cocol, at iba pang mga terms na maririnig mo sa paboritong radio show ng mga kabataan. Available at all SM outlets nationwide.

BNO Tees 

Photo from SM Youth’s FB page

 

3rd Pinoy Statement Shirt Brand:
Limitado

Ang mga kakaibang hirit kagaya ng “Di bale nang tamad, hindi naman pagod” at kung anu-ano pang mga nakakatuwang disenyo na mula sa kaisipan ni Tado Jimenez ay available na rin online. Order at www.facebook.com/limitado24

Limitado

Photo from Limitado’s FB page

 

4th Pinoy Statement Shirt Brand:
Tom Tees

Astig ang mga designs nila at maganda at fit ng mga shirts. Kung napapansin mo ang mga damit na suot ni bayaw Jun Sabayton, siguradong mapapatanong ka kung saan niya ito nabili. Order online thru www.facebook.com/tom.tees

TomTees

Photo from Tom Tees’ FB page

 

5th Pinoy Statement Shirt Brand:
Elevate Apparel

Sosyal at ang ganda ng mga designs nila, mula sa mga shirts, accessories at polos. One of a kind talaga. Order online thru www.elevateapparel.com

Elevate Apparel

Photo from www.elevateapparel.com

 

6th Pinoy Statement Shirt Brand:
Suplado Shirts

Suplado Shirts

Syempre magpapahuli ba kami? Supladong suplado na ang dating mo kapag suot mo ang Suplado Shirts, astig ka lalo na kapag nakita ka ng iba. Kung hindi mo masabi, isuot mo na lang. Matutuwa pa sila sayo. Limited stocks lang ang ginagawa kaya order na sa www.stanleychi.com

O ano pang hinihintay niyo, order na at baka maubusan pa kayo ng mga stocks. Kung may mga brands pa kayo na gustong idagdag dito sa post na ito, email me at stanley@stanleychi.net

0 comments:

Have anything to share? Do it here!