Sawing Loner

5/05/2014 stanleychi 0 Comments



Marami sa atin ang mahilig makipagkaibigan, wala namang masama dito. Ngunit kung lahat na lang ng makikilala natin ay aakalain natin na kaibigan, magkakaproblema tayo. Tulad na lang ng isang nerdok na itago natin sa pangalang Atlas.

Si Atlas ay mahilig makipagkaibigan. Akala niya na lahat ng makilala niya sa eskwela, trabaho at kahit sa simbahan ay pwede niyang maging kaibigan o kabarkada. Kagaya ni Hercules na minsang nakasama niya sa isang fellowship sa simbahan. Si Hercules ay isang napaka-competitive na tao, natural sa kanya ang makipag-kumpitensiya sa kahit kanino. Kahit sa paramihan ng kaibigan sa Facebook, pinapatulan niya. Malamangan niya lang ang isang tao.

Ingat ka, tanga ka pa naman

Hindi alam ni Atlas na sobrang na-i-insecure si Hercules sa kanya dahil sa kanyang mga Fb friends. Ang buong akala ni Atlas ay close sila ni Hercules, isang araw ay napansin na lang ni Atlas na biglaan siyang binlock ni Hercules sa Fb at sinisiraan sa ibang tao. Sa sobrang pagkadismaya ni Atlas ay nag-deactivate siya ng Fb account at lumipat na lang sa Pinterest. Ngayon ay wala na siyang kaibigan na pinagkakatiwalaan at nagsosolo na lamang sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa, habang si Hercules ay may bago namang kinaiinggitan sa simbahan.

Ayokong mawala ang tiwala niyo sa mga bago niyong makikilala, mas lalong ayoko ang maging loner kayo kagaya ni Atlas kaya dapat niyong malaman ito.

Paano mo malalaman kung na-i-inggit sayo ang isang tao:

  1. Panay ang pambubully niya sayo.  Pinagiinitan ka niya at pinagtitripan kahit wala kang ginagawang masama sa kanya.
  2. Palagi ka niyang napapansin.  Kinukumpara niya ang sarili niya sayo, parang hindi niya matanggap na mas nakaka-angat ka sa kanya.
  3. Alam niya ang lahat ng ginagawa mo pero kunwari hindi. Panay ang follow niya sayo sa Twitter, Instagram at Fb para maki-balita sa lahat ng nangyayari sa buhay mo.
  4. Kapag may magandang nangyayari sa buhay mo, tahimik lang siya. Never ka niyang pinuri o kinongratulate sa mga achievements mo.
  5. Lalaitin ka niya ng patalikod. Akala mo ok kayo kapag nakaharap pero kapag nakatalikod siya ay sisiraan ka niya ng bonggang-bongga.

Sana ay may natutunan kayo at nawa’y maging mas ma-ingat kayo sa mga taong nakakasalamuha niyo araw-araw. Huwag magpa-uto at lalong dapat umiwas kayo sa mga ganitong klaseng tao.

Kung mahilig kayo sa memes, pwede niyo ring i-share ang meme na ito:

Suplado Meme

0 comments:

Have anything to share? Do it here!