Sawing Palamunin

2/18/2014 stanleychi 0 Comments



Linis, laba, kain, tulog at iba pang gawaing bahay ang trabaho ni Indoy sa kanyang tahanan. Samantalang si Neneng naman ang nagtatrabaho at kumikita ng pera para sa kanyang pamilya.

Oo, si Indoy ay isang house husband.

Sawing Palamunin

Pero wala namang masama sa pagiging isang house husband, uso na ito ngayon lalo na’t mahirap maghanap ng trabaho. Maganda ang set-up nilang mag-asawa. Kaya naman ay noong umpisa, masaya sila sa kanilang pagsasama. Ngunit noong tumataas na ang mga bilihin at renta sa bahay ay unti-unting nanlamya ang kanilang relasyon. Madalas na silang mag-away at nagbibitawan ng masasakit na salita. Dumating pa ito sa panunumbat ni Neneng kay Indoy, dahil siya ang bumubuhay sa buong pamilya habang si Indoy naman ay isang palamunin.

Sobrang nasaktan ang pride ni Indoy, kaya dali-dali nalang itong lumayas sa kanilang tahanan at hindi na siya bumalik. Hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ni Neneng at ng mga awtoridad si Indoy.

Ayokong humantong sa ganito ang relasyon niyong mag-jowa o mag-asawa kaya ito ang mga dapat gawin ng isang lalake para hindi ito masumbatan ng kanyang asawa o jowa:

  1. Maging masipag. Kahit na maliit lang ang kita mo, maghanap ka pa rin ng ibang pagkakakitaan.
  2. Maging matipid at madiskarte sa pera. Mahirap nang masabihang waldas sa pera, ikaw ang lalake kaya ipakita mo na gagawin mo ang lahat mabigyan mo lang ng magandang buhay ang iyong pamilya.
  3. Huwag masyadong umasa sa iba. Lalo na sa iyong asawa o jowa. Hawak mo ang iyong kapalaran. Para sa huli, walang sisihan.
  4. Huwag magbitaw ng masasakit na salita. Maging pasensyoso ka, huwag magmumura at lalong mag-isip muna bago magbitaw ng salita. Baka balang araw ay pagsisihan mo yan.
  5. Maging responsable. Alam mo na siguro ang ibig sabihin nito.

Hindi man magandang pakinggan, pero kadalasan sa mga sumbatan ng mag-asawa ay nag-uugat sa pera at katamaran ng isang lalake. May mga ibang pang dahilan kagaya ng pambababae at pagiging lulong sa bisyo, kaya ang moral lesson ng sawi story na ito ay maging masipag, responsable at good boy. Sana ay huwag niyong maranasan ang nangyari kay Indoy at Neneng, dahil baka pati ang mga awtoridad ay ma-bwisit rin sa inyo.

0 comments:

Have anything to share? Do it here!