Small-time Sawi

12/18/2013 stanleychi 0 Comments



Lahat ng big-time naguumpisa sa small-time.

Pero habang small-time ka, makikita mo ang tunay na kulay ng karamihan. Kung may kailangan ka sa ibang tao, huwag kang umasa na aasikasuhin ka o tutulungan ka kaagad.

Small-time Sawi

Tulad na lang ng kaibigan kong si Amy, small-time lang ang negosyo niya kaya hindi siya masyadong iniintindi ng mga negosyanteng tulad ni Sarah. Nang minsang humingi ng pabor si Amy kay Sarah ay hindi niya ito pinansin dahil busy raw siya. Pero kapag malaking kumpanya, agad-agad itong inaasikaso ni Sarah.

Makalipas ng ilang taon, lumaki ng lumaki ang negosyo ni Amy at ang negosyo naman ni Sarah ay nalugi. Humingi ng tulong si Sarah kay Amy, kitang-kita sa mukha ni Amy na nahihiya siya. Pero kahit na may hinanakit siya sa negosyante, agad-agad na tinulungan ni Amy si Sarah.

Kahit na alam niyang inismol siya nito noong araw.

Sa sobrang hiya, hindi na makatulog ng mahimbing si Sarah. Hanggang sa kanyang pagtanda ay nahihiya siya sa pangmamata na ginawa niya noon kay Amy.

Ayokong magka-insomia ka dahil sa konsensiya at lalong ayaw kong iniismol ka ng iba, pero alam ko ang mga dahilan kung bakit ka iniismol ng isang tao.  

  1. Wala ka kasing pera. In short, mahirap ka kasi. Najojologan siya sayo.
  2. Hindi ka importanteng tao. Wala ka kasing power, hindi ka nila magagamit o mahihingan ng pabor.
  3. Wala siyang kailangan sayo. Wala siyang makukuhang kapalit kung inasikaso ka niya, kung may bayad man ang serbisyo niya… Malamang maliit na halaga lang ang makukuha niya.
  4. Kahit na tapakan ka niya, iniisip niya na hindi ka naman makakaganti. Ito ang ultimate na pangmamata, iniisip niya na hindi ka na aasenso.
  5. Masama lang talaga ang ugali niya. May mga taong pinanganak para maging kupal. Isa na siya doon. Baka hindi maganda ang childhood niya o kaya naman ay naiinggit siya sayo at hinihila ka niya pababa. 

Ngayong alam mo na kung bakit ka iniismol, kailangan ay mas lalo mo pang pag-igihan ang ginagawa mo. Success is the best revenge, basta huwag mo silang masyadong isipin at ituloy mo lang ang ginagawa mo. Good luck at sana balang araw ay makonsensiya rin ang mga nangmamata sayo.

0 comments:

Have anything to share? Do it here!