Lahat Tayo ay Nagbabago

12/13/2013 stanleychi 1 Comments



Habang nagkaka-edad ka, nagbabago ang mga ginagawa mo, Nagbabago ang lugar kung saan ka nagta-trabaho, kung saan ka nakatira at kung sino ang mga kaibigan mo. Tulad na lang ng kaibigan kong si Julie, marami ang nagbago sa kanya. Dati siyang nurse na naging call-center agent. Hindi na rin siya taga Pasig, lumipat na siya ng tirahan sa may bandang QC at hindi na rin niya kaibigan ang dati niyang best friend na si Sally.

Suplado Meme

Bakit biglang nagbago ang samahan ni Julie at ni Sally? Hindi ko rin alam ang buong istorya, ang alam ko lang ay pareho silang nurse. Si Sally ay nurse pa rin hanggang ngayon samantalang si Julie ay naging big-time na call-center agent. Hindi na sila close ngayon at naiilang sa isa’t-isa, ang kuwento na kumakalat ay naging insecure raw si Sally kay Julie at sinisiraan siya kung kani-kanino. Si Julie naman at matagal nang naka-move on at hindi na pinapatulan si Sally, pero sobra siyang nasaktan sa nangyari sa kanila ni Julie.

Ayokong mangyari sa inyo ang nangyari sa dalawang ito, kaya ito ang mga dapat niyong gawin para maiwasan ang tampuhang magkaibigan:

  1. Huwag masyadong makialam sa lovelife ng kaibigan, lalo na kung hindi ka hinihingan ng advice. Sensitive ang mga taong in-love, hinay-hinay sa paglait sa syota ng kaibigan dahil siguradong makakarating yan sa taong nilalait mo. Nagtatanim ng galit ang mga yan.
  2. Huwag maging negatibo tuwing magkikita kayo. Ang mga taong negatibo ay nilalayuan ng kahit sino, dapat good vibes lagi. Kung may problema ka, piliin mo kung sino ang pagsasabihan mo.
  3. Huwag masyadong magpalibre. Kung panay ang palibre mo, iisipin niya na hindi kaibigan ang turing mo sa kanya. Iisipin niya na ginagamit mo lang siya.
  4. Huwag mong landiin at huwag ka ring magpapalandi sa syota ng kaibigan mo. Mahuli ka man o hindi, siguradong magsisisi ka. Ang kay Petra ay kay Petra. Ang kay Pedro ay kay Pedro, unless magka-crush ang syota ni Pedro kay Petra.
  5. Huwag mong i-kwento ang lahat sa kaibigan mo. Magtira ka para sa sarili mo, your best friend is your worst enemy pag nag-away kayo. Lalo na pagdating sa pera, nagbabago ang ugali ng isang tao dahil diyan.

Kung nagkatampuhan naman kayo ng kaibigan mo, alamin mo muna kung saan ito nagsimula. Kung may pagkakamali ka, huwag mong hayaang masira ang pagkakaibigan niyo. Matutong magpakumbaba at makipagbati, wala pa akong nakikitang tao na namamatay sa pagkain ng pride.

Ayoko ng magulong buhay!

Kung ikaw naman ay gustong makipag-ayos sa dati mong kaibigan kahit na siya ang may mali. huwag kang umasa na babalik pa ang dati niyong samahan. Maghanap ka ng ibang kaibigan at ibaon na sa limot ang mga hindi magandang ala-ala, sayang lang ang oras mo sa pag-emote.

Ang dapat mong gawin ay mag-enjoy sa buhay, be happy at laging basahin ang mga sinusulat ko sa website na ito.   

1 comment:

  1. Sakit nalang ng loob ni Pedro kung magka-crush yung syota nya kay Petra. Hahaha

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!