Binggit: Bitter na Inggit

10/20/2013 stanleychi 0 Comments



May kakilala ka bang tao na kinaibigan mo, naging mabait ka sa kanya, kilala niya ang pamilya at mga kaibigan mo pero ang totoo ay naiingit pala siya sayo?

Masakit malaman na ang tinuturing mong kaibigan ay sinisiraan ka sa ibang tao o kaya naman ay minamaliit ka.

Ganyang ganyan ang nangyari kay Gagay na isang mananahi, kinaibigan niya si Esther na isa ring mananahi. Akala ni Gagay ay isang mabait na tao si Esther, ang hindi niya alam ay sinisiraan siya ni Esther sa mga taong nakakakilala rin sa kanya. Pero ika nga nila, ang mga pader ay may tenga at nalaman ni Gagay ang lahat dahil nakarating sa kanya ang balita.

meme 11

Si Esther ay Binggit. Bitter na inggit sa mga nakakamit ni Gagay. Nang kausapin ni Gagay si Esther tungkol dito ay todo deny at palusot pa siya, pero sa huli ay umamin rin ito. Nasaktan si Gagay, at mula nun ay hindi na nanumbalik ang dati nilang samahan. Kung dati ay magkasabay silang kumain at mamasyal, ngayon ay nagkakanya-kanya na lang sila at halatang nagpaplastikan.

Ayokong makatagpo kayo ng isang taong kagaya ni Esther, kaya ito ang mga dapat mong gawin para maka-iwas kayo sa mga taong binggit.

1. Kilalanin mabuti ang ugali ng taong kakaibiganin. Lahat tayo ay may kanya-kanyang ugali at hindi natin pinapakita ang mga masamang ugali natin sa mga taong kakikilala pa lang. Kaya maging observant at maging alisto para sila ay mas mabilis mong mabisto.

2. Huwag mong ilalahad ang buong buhay mo sa mga taong hindi mo ka-close. Alam kong honesty is the best policy, pero kung sinabi mo na sa lahat ng tao ang kwento ng buhay mo… Ano pa ang ititira mo para sa sarili mo at para sa tv show na Maalaala mo kaya?

3. Piliin mong mabuti ang mga taong kakaibiganin mo. Kung ano ang mga kaibigan mo ay ganun ka rin. Kung babarkada ka sa mga gago, i-expect mo nang gago rin ang tingin sayo ng ibang tao. Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are di ba?

4. Siguraduhin mong magkaiba ang ginagawa mo sa ginagawa ng taong kakaibiganin mo. Kung pareho ang trabaho niyo, hindi maiiwasan na magkaka-inggitan kayo. Lalo na kung ang isa sa inyo ay umangat at yung isa naman ay wala pa ring nararating.

5. Huwag mag-share at magkwento kung may magandang nangyari sa buhay mo. Magpa-humble ka rin paminsan-minsan. Nagsisimula ang inggitan kung madalas kang mag-share ng pictures at status mo sa Facebook kagaya nang ganitong post “Lord, salamat at may bago akong kotse.” Kung gusto mong magpasalamat sa Diyos, magdasal ka at magsimba. Hindi yung ipopost mo status dahil pagyayabang ang tawag doon.

Prevention is the best cure sa mga taong binggit, pero kung ikaw naman ay natulad kay Gagay na na-peke ng kanyang kaibigan. Move on at ituloy mo lang ang ginagawa mo, dahil walang gamot para sa mga taong binggit kagaya ni Esther!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!