Bakit Torpe ang Isang Lalake?

2/26/2013 stanleychi 4 Comments



Marami ang lalakeng natotorpe kapag nakikita si crush. Pero teka muna, bakit nga ba may mga lalakeng torpe?  Ayon sa aking pagsasaliksik, ang dahilan kung bakit torpe ang isang lalake ay dahil sa malaking insecurity niya sa kanya sarili.  Ano ba ang mga kina-iinsecuran ng isang lalake?

Bakit Torpe ang Isang Lalake?

1. Pera. Oo importante ang pera sa panliligaw, syempre lalake ang dapat magbayad sa date. Parang negosyo yan, kailangan mong mamuhunan. Kung dukha ka, papasok sa isip mo ang dramang “Langit ka, lupa ako!”.

2. Kotse. Mahalaga ang kotse dahil isa itong status symbol, may koneksyon ito sa pera.  Kung mayaman ka, maganda ang kotse mo! Yung tipong pang binata. Kung pangit ang kotse mo, baka isipin ng babae na taxi driver ka!

3. Itsura. Aminin na natin, lahat tayo tumitingin sa panlabas na itsura ng tao.  Kung pangit ka, malaking problema yan! Pwede mong idaan sa yaman ang diskarte mo sa babae, kaso mayaman ka nga… Mukha ka namang mahirap!

4. Pagkatao. Kung pa-English English ang nililigawan mo, lalaitin niya ang pagkatao mo. Lalo na kung jologs ka! Subukan mong mag-aral at magbasa ng libro, gamitan mo siya ng mga malalalim na salita para hindi niya maiintindihan. May kinalaman din ito kung paano ka kumilos at mag-isip, kaya medyo matagal na pag-aaral ang gagawin mo.

5. Butotoy.  Sabi nila, wala raw yan sa laki… Nasa performance yan.  Kaso may aamin ba na maliit ang butotoy nila? Syempre wala!  Mararamdaman mo na lang na maliit ang butotoy niya, kung…

A. Kupal siya. Galit siya sa mundo, alam niyo na kung bakit.

B. Babaero siya. Pampalubag loob ito. Maliit nga ang armas, marami namang na ano!

C. Mahilig siya sa kotse. Sabi nila kung marami kang kotse, guma-guwapo ka!  Di bale na kung maliit ang ano mo!

D. Naiiyak siya kapag nakakakita siya ng footlong. Pero, pwede ring bading siya!

Sana ay may natutunan kayo sa mga sinulat ko.  Huwag kayong matorpe kapag manliligaw kayo, mas mabuti nang sinubukan niyong ligawan ang crush mo kesa naman buong buhay mong iisipin ang “What if niligawan ko siya?”.

4 comments:

  1. Sigurista kase.
    Haha natural sa lalake ang pagiging ma-pride kahit saang aspeto sa buhay.
    Natatakot masaktan at matapakan ang pagkalalake kaya un stay torpe nalang xD

    ReplyDelete
  2. O hindi marunong manligaw. paturo naman.

    ReplyDelete
  3. Astig dito... daming mababasang makabuluhan </3

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!