Mga dapat gawin ngayong Enero

1/01/2013 stanleychi 0 Comments



Happy new year readers, tapos na ang bakasyon at sigurado akong busog na busog kayo dahil sa mga handaan na pinuntahan niyo.  May mga dapat tayong gawin para mas maganda ang umpisa ng ating Enero, sigurado rin ako na makakatulong ito sa buong taon ninyo.

Mga dapat gawin ngayong Enero

  1. Maglinis ng mga damit at gamit.  Taon taon tayong nakakatanggap ng mga ragalo at bumibili ng mga damit at gamit, kung ano ang hindi na kailangan pwede nating ibenta o ipamigay para kumonti ang mga gamit natin sa bahay. Mas luluwag pa ang inyong mga cabinet.
  2. Move on. Patawarin ang mga taong nakasakit sayo noong mga nakaraang taon, madaling sabihin pero mahirap gawin.  Pero mas giginhawa ang pakiramdam mo kung hindi ka na nagdadala ng sama ng loob sa kapwa mo.
  3. Maglista ng goals para sa buong taon.  Kung ano ang pangarap o plano mo sa buhay, isa rin itong constant reminder para mas pag-igihan mo ang iyong trabaho.
  4. Baguhin ang iyong sarili.  Lahat tayo may kahinaan, pagkukulang at pagkakamali.  Ang bagong taon ay magandang simula para magbago, naniniwala rin ako na ang pagbabago ay pwedeng gawin all year round.
  5. Mag-diet at uminom ng maraming tubig.  Kasama na dito ang pagpapa-check up sa doctor, dahil sigurado akong marami kayong kinain noong Christmas vacation. 

Sana ay makatulong ang mga payong ito para maging mas masagana ang inyong bagong taon, mas makakatulong din sa inyo kung lagi niyong babasahin ang blog ko.  I-like at share niyo nalang ito sa Fb at Twitter… Salamat!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!