Salamat 2012

12/27/2012 stanleychi 1 Comments



Marami ang nangyari sa akin nitong 2012, may maganda may hindi maganda. Pero overall nagpapasalamat pa rin ako at naging matindi ang taong ito para sa akin.  Hindi ko man maikwento lahat pero eto ang aking top 10 blessings para sa taong 2012.

Salamat 2012

  1. Suplado Tips 2  Salamat sa lahat ng readers ng Suplado Tips at nagkaroon ng part 2 ang librong ito, napaka-astig rin ng book launch nito noong March 24 sa NBS Shangrila. Salamat sa lahat ng guests at nagpunta.
  2. MIBF Ambassador  Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng endorsers ang MIBF at isa ako sa mga napili nila kasama sina Ramon Bautista, Tado Jimenez at Carlos Celdran.  Salamat sa lahat ng bumubuo ng MIBF, sa mga nagpunta sa book signing namin at sa lahat ng kasama sa paggawa ng viral videos nito. 
  3. Pogi Points book  Ngayong 2012, nagkaroon ako ng pagkakataong magsulat ng dalawang libro at ito ang konseptong nabuo ko. Salamat sa Psicom na nagtiwala sa akin at binigyan nila ako ng pagkakataong maging pogi.  Salamat rin sa mga nagpunta noong December 1 book launch ko sa NBS Shangrila, hanggang sa mga susunod pang mga libro.
  4. Noel Bazaar booth  First time naming magtinda sa isang bazaar, kahati ko sila Ramon at Tado sa booth namin sa World trade center at PICC Forum tent.  Salamat sa Cut unlimited na nagtiwala sa amin at sa mga bagong kaibigan na nakilala namin sa bazaar.
  5. Read Lit District  Salamat sa pag imbita sa akin bilang speaker sa topic na Politically Incorrect humor. Isang karangalan para sa akin na mapabilang sa panel kasama nila Krip Yuson at Bebang Siy. 
  6. Suplado Online Shop  Nakakataba ng puso at nagpapasalamat ako sa mga tumulong sa akin para umandar ang online shop ko, kay David, Stef at sa lahat ng umoorder ng mga Suplado Shirts.  Sa 2013, mas marami pa akong mga bagong designs na ilalabas.
  7. Mga Sponsors  Sobrang thank you sa Levis Philippines, Unisilver-Time, Cubik Eyewear, Elevate Apparel, Nivea for men, Psicom publishing, Bini-boshi at Tagpi Disenyo.
  8. Manila Bulletin  Sir Roni Santiago, salamat at binigyan niyo ako ng pagkakataong matupad ang pangarap kong maging isang kartunista. Sa dyaryong ito nagsimula ang lahat, alam kong 9 years na akong nagtatrabaho para sa Manila Bulletin pero nagpapasalamat pa rin ako sa wisdom at advice na binibigay niyo sa akin.
  9. Online Features  Salamat sa lahat ng bloggers na tumulong sa akin ngayong taon lalo na sa FHM Philippines at Spot.ph.
  10. Family, Friends & Stef  I love you all, thank you for the support thru good and bad times.

Salamat din kay God lalo na sa mga fans at readers ng website ko. Para sa inyo ang lahat ng ito.

Kitakits sa 2013!

1 comment:

  1. Thank you din, Suplado General Stanley Chi! We wish you further success this coming 2013!


    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!