Pinoy Christmas Party

12/20/2012 stanleychi 1 Comments



Ito na ang panahon na pinakahihintay ng lahat ng empleyado, ang makamandag na Christmas party! Once a year lang ito nangyayari kaya present ang lahat at never uma-absent ang mga tao dito. Pero ano nga ba ang nagaganap sa isang Pinoy Christmas party? Ito lang naman ang mga napansin ko.

Pinoy Christmas Party

  1. Christmas dinner. Hindi pwedeng mawala ang lechon, kadalasan sa isang party ay buffet pero kung kuripot si Bossing… Potluck na lang.
  2. Bigayan ng 13th month pay. Good mood ang lahat dahil dito, alam niyo na siguro kung bakit.  
  3. Exchange gifts. Monito Monita, something big, something sweet… Basta worth 100 Pesos.
  4. Games. Trip to Jerusalem at lahat ng children’s games na ginagawa sa isang kiddie party.
  5. Christmas presentation. Labanan ito ng bawat department sa office, pwedeng dancing contest o singing contest. Individual o group, pero kadalasan nananalo ang grupo ng mga oldies na sumasayaw.
  6. Awarding ceremonies. Seryosong awards pero pwede ring katuwaan lang kagaya ng best in attendance o kaya always late award.
  7. Chismisan. Nagkukumustahan at nagkukwentuhan ang lahat, syempre Pasko kailangang makipag-plastikan kahit sa kaaway mong officemate.
  8. Raffle. Talo-talo na pagdating dito, kahit na China phone na galing sa 168 ang paglalabanan.
  9. Message from the Boss. Ito ang words of encouragement mula sa nagpapasweldo sa mga empleyado, may konting pambobola at paawa effect rin na “Dapat wala tayong party dahil mahina ang negosyo, pero dahil mahal ko kayo tinuloy ko na rin. 
  10. Inuman. Dahil tapos na ang party, tagay kapatid!

Ingat pauwi galing sa party mamaya. Kung wala kayong masakyang taxi pauwi pwede namang matulog sa office, isipin mo nalang na nag-overtime ka.

1 comment:

  1. sir Stanley pede po magtanong. Me nabasa ho kasi ako na isa sa mga blog nyo na nagsasabing Hassle o parang mahirap ung magkagirlfriend w/ the same brgy. can you please reply to this thread kung anong title nung blog yuun. Salamat ho in advance. By the way, sorry po kung di to related sa post nio po. =)

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!