Paano iwasan ang katakawan ngayong Pasko

12/17/2012 stanleychi 1 Comments



Dahil malapit na ang Pasko, sigurado akong mapaparami na naman ang kain natin. Sira ang diet niyo at mahihirapan kayong magsuot ng bikini pagdating ng summer.  Narito ang ilan sa mga dapat mong gawin para hindi kayo malulong sa inyong katakawan.

Paano iwasan ang katakawan ngayong Pasko

  1. Umiwas sa mga reunion at Christmas party. Kahit anong pigil niyo, mahirap iwasan ang pag kain ng lechon.
  2. Huwag munang makipaginuman kahit kanino. Ang konting tagay at konting subo sa pulutan na sisig ay permanenteng pagtaba na inyong pagsisisihan habang buhay.
  3. Iwasan ang pag-inom ng soft-drinks.  Kasama rin dyan ang iced tea.
  4. Maglakad ng maglakad. Exercise yan, kapag napagod ka hindi ka makaka-kain.
  5. Unahin ang pag-inom ng maraming tubig bago kumain. Kung nabusog ka sa tubig, hindi ka na lalamon ng marami.
  6. Tingnan mo ang litrato mo 3 years ago at ang litrato mo ngayon. Kung tumaba ka, mawawalan ka ng ganang kumain. Kung hindi ka tumaba, sinungaling ka!
  7. Magpaka-busy ka. Kung marami kang ginagawa, mas pipiliin mong matulog kesa kumain.
  8. Isipin mong kapag tumaba ka, mas mabilis kang magkakasakit. Ang taong overweight ay mas nagkakaroon ng sakit sa puso.
  9. Huwag magpalibre kahit kanino ngayong December. Mas titipirin niyo ang inyong Christmas bonus, hindi pa kayo kakain ng madami.
  10. Isipin mo na “Health is wealth.” Alam kong madaling sabihin pero mahirap gawin, pero kung may sakit ka mas mauubos ang inipon mong pera.

Sana ay makatulong ang mga payong ito para hindi kayo tumaba ngayong Pasko, isipin niyo na lang na pagdating ng summer ay may karapatan na kayong mag-suot ng bikini at swimming trunks.  Kung wala kayong balak magpunta sa beach, isipin mo na lang na makakapag-suot ka na ng skinny jeans.

1 comment:

Have anything to share? Do it here!