How to be a Good Listener

11/09/2012 stanleychi 0 Comments



Importante sa lahat ng relasyon ang good listening skills, hindi lang basta basta makikinig ka sa kausap mo.  Kailangan iparamdam mo sa kausap mo na talagang sincere ang pakikinig mo sa kanya. 

How to be a Good Listener

Eto ang ilan sa mga tips kung paano makinig sa kausap mo:

  1. Kalangan walang distractions.  Huwag ka munang mag-surf sa internet o mag-text habang may kausap ka.  Iparamdam mo na lahat ng atensyon mo ay nasa kausap mo lang. 
  2. Tingnan mo siya sa mata.  Maipaparamdam mo sa kausap mo na talagang nakikinig ka kung titingnan mo siya sa mata.
  3. Huwag basta basta magbigay ng payo.  Baka naman gusto niya lang magkwento o magsabi ng mga hinaing niya at sama ng loob.  Kung hiningi niya ang payo mo saka ka lang mag-advice.
  4. Patapusin mo muna siyang magkwento.  Nakakainis yung taong humihirit agad kahit hindi pa tapos magsalita ang isang tao.
  5. Huwag mo ikwento sa iba yung mga kwento niya sayo. Kaya ka niya kinwentuhan kasi may tiwala siya sayo at alam niyang hindi mo sasabihin sa iba yung mga kwento niya. Kapag kumalat ang kwento niya, hindi ka na niya kukwentuhan ulit. Mawawalan pa siya ng tiwala sayo.

Iilan lang ito sa mga payo kung paano maging good listener, isipin mo na kaya ka niya kinwentuhan ay dahil kaibigan ka niya at may tiwala siya sayo.  Pwede rin kaya siya nagkwento sayo ay dahil gusto ka niyang maka-close o para magbonding kayo. 

Pero payo lang sa mga mahilig magkwento, piliin niyong mabuti kung sino ang kukwentuhan niyo ha? Please lang!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!