10 Things to do on a Long Weekend

11/04/2012 stanleychi 2 Comments



Ano ang mga dapat niyong gawin kapag long weekend?  Imbes na gumastos, maraming ang pwedeng gawin kapag nasa bahay ka lang.  Productive ka na, may nagawa ka pang maganda ngayong bakasyon.

10 Things to do on a Long Weekend

Here are 10 things to do on a long weekend:

  1. Maglinis ng mga gamit – Ang mga lumang gamit na hindi na kailangan pwede mong ipamigay o ibenta.
  2. Manood ng marathon ng paborito mong tv series Ito na ang pagkakataon mong mapanood ng kumpleto ang mga dina-download mo sa mga torrents. Paborito ko ngayon ang Suits, American Horror Story, Arrow at Anger Management.
  3. Gumawa ng scrapbook – Alam kong senti ito pero balang araw kapag nakita mo ang scrapbook mo, maaalala mo ang mga magagandang pangyayari sa buhay mo.
  4. Magplano para sa mga susunod na buwanAno ba ang balak mo sa career mo o sa buhay mo? Kailangan may goals ka sa buhay, go lang ng go… Susuportahan kita!
  5. Matuto ng isang bagay na hindi mo kayang gawin – Kung hindi ka marunong magluto, mag-aral kang magluto.  Mas kakaiba mas maganda.
  6. Magbasa ng libro – May matututunan kang bagong salita, mas lalawak pa ang vocabulary mo.
  7. Makipag-chat sa FB o YM – Ito na ang panahon para makipag-usap sa mga dating kaklase, barkada at kaibigan. Pwede ka ring mag-surf online at basahin ang blog ko hehe!
  8. Gumawa ng sariling blog – Libre lang ito, mahahasa pa ang kakayahan mong magsulat.
  9. Family bonding – Sa sobrang busy mo sa trabaho, ito na ang pagkakataon mong makasama ang iyong mga magulang at mga kapatid.
  10. Matulog ng 8 hours – Ito na ang pagkakataon mong magpahinga. Dahil kapag natapos na ang long weekend, sasabak ka nanaman sa matinding stress sa trabaho.

Kayo ano ang ginawa niyo ngayong long weekend?  I-kwento niyo naman, huwag kalimutang i-like at i-share ito sa Facebook at Twitter!

2 comments:

  1. ang pagdownload ng torrents ng Suits, American Horror Story, Arrow at Anger Management ay gaya din ng pagupload mo ng libre sa ebook mo. haha

    ReplyDelete
  2. i strongly agree, matulog ng 8 hours or more (-:

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!