Suplado Tips: October 2012

10/18/2012 stanleychi 4 Comments



Ruvi Madrid: Sawi sa pag-ibig

Hi guys, kumusta na kayo diyan? Medyo hindi ako nakakapag-post tungkol sa Suplado Tips dahil naging busy kasi ako sa kasunod nito na Pogi Points, pero dahil mahal ko kayo susundan ko kaagad ito ng book launch ngayong December 1, 2012 Sabado sa National Bookstore Shangrila.  Babalitaan ko kayo kaagad kung sinu-sino ang magiging special guests at kung ano pa ang mga mangyayari, pero habang nag-aantay ito muna ang mga naipon kong Suplado Tips para sa inyo.

SUPLADO TIPS:

  1. Masyado namang mataas ang standards mo, akala mo naman napakaganda mo!
  2. Kailangan mong mag-suplado kung bully ang kausap mo!
  3. Huwag ka nang magpanggap, kasi hindi ka niya type!
  4. Kahit na mag-spell checker ka, wrong grammar ka pa rin!
  5. Kung maganda siya sa profile pic pero konti lang ang followers niya, pangit talaga siya!
  6. Para maka-move on ka, isaksak mo ito sa utak mo... Hindi ka niya mahal!
  7. Hindi kita nilalait, dini-describe ko lang ang totoong itsura mo!
  8. Kung nag-upload ng food pic ang kaibigan mo hiritan mo ng, "Alam kong masarap yang kinakain mo, huwag mo na akong inggitin!"
  9. Kung may kakilala kang nagfi-fish for compliment hiritan mo ng, "Maghanap ka ng taong bobolahin ka!"
  10. Kung may nagpapa-humble effect paringgan mo ng, "Pa-humble ka pa, pumapalakpak naman ang tenga mo!"
  11. Anong move on move on? Ikaw ang mag-move on!
  12. Mayaman ka nga, mukha ka namang mahirap!
  13. Kung may nagsabi sayo ng "Dapat mag-thank you ka sa akin!" hiritan mo ng... "You're welcome!" sabay alis!
  14. Kung hindi mo pinagkakakitaan ang pagpupuyat mo, matulog ka na lang!
  15. Kung maraming online pero walang nakikipag-chat sayo, Ibig sabihin... Wala kang kwentang kausap!

SUPLADO SITUATION:

  1. Girl: Pupunta ka ba sa Halloween party?
    Boy: Hindi.
    Girl: Bakit?
    Boy: Araw-araw Halloween pag kasama kita eh!
  2. Girl: Mag-isa lang ako sa bahay ngayon!
    Boy: Eh ano ngayon?
  3. Girl: Lilibre mo ba ako?
    Boy: Manigas ka!

TRIVIA:

The word “Punyeta” is like “Damn” in Tagalog.

4 comments:

  1. thank sa mga tips!
    Ang dami kong natututunan na useful tips.

    ReplyDelete
  2. Kailangan ko siguro tong gawin. lahat ng naging malapit na girls sa akin naging tomboy ehh.. -_-
    Pero dahil dito baga makakuha pa ko ng girlie =))

    ReplyDelete
  3. Kailangan ko ata nito dahil halos lahat ng naging malapit sa akin na babae naging lalaki. for a change naman hahahahha :))

    ReplyDelete
  4. san section sa national bookstore ito located?

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!