Pogi Points Grooming Tips

10/06/2012 stanleychi 1 Comments



Marami ang nagtatanong sa akin kung paano magkaroon ng pogi points sa mga girls, dahil dyan ay nagsulat ako ng libro na muli nanamang magbabago sa buhay niyo.

Pogi Points

Pero kahit na madiskarte ka at magaling magpakilig sa mga girls, medyo kulang pa rin yan kaya eto na ang mga grooming tips na sobrang effective.

  1. Mag-gupit ka ng kuko sa kamay at lalo na sa paa.  Yan ang unang senyales kung malinis o dugyot ang isang tao.
  2. Mag ayos ka naman ng buhok.  Gumamit ka ng hair wax, hindi na uso ang Spray net ha!
  3. Kung alam mong pinapawisan ka, gumamit ka ng deodorant.  Hello, dapat alam mo yan.
  4. Mag-toothbrush ka at gumamit ng mouthwash.  Mag-dental floss ka rin at sabayan mo pa ng tongue scraper.
  5. Kung may pimples ka, magpatingin ka sa dermatologist.  Huwag mong tirisin ang pimples mo.
  6. Mag-ahit ka kung hindi bagay sayo ang may bigote.  Malinis ka nang tingnan, magmumukha ka pang teenager.
  7. Kung hindi bagay sayo ang loose fit, magsuot ka ng damit na babagay sayo.  Yung tama lang at hindi masyadong maluwag, para hindi ka magmukhang jologs.
  8. Gumamit ng cologne o perfume. Iba na yung mabango, pero huwag masyado.
  9. Mag-invest sa magandang sapatos na leather at mapormang relo.  Malakas ang dating ng lalakeng maganda ang sapatos, ang relo naman ay jewelry ng lalake.  Isa lang naman eh, kaya gastusan mo na!
  10. Magpa-trim ng buhok once a month.  Ang buhok ay isa sa mga tinitingnan ng mga girls, kaya importanteng malinis yan at hindi sabog.  Sa parlor, barber shop o salon lang magpagupit ha! 

Ayan ang mga top 10 na dapat niyong malaman para maging pogi.  Bili rin kayo ng librong Pogi Points available na sa lahat ng bookstores nationwide, 150 lang.

1 comment:

Have anything to share? Do it here!