Salamat September

9/29/2012 stanleychi 0 Comments



Hi guys, medyo matagal-tagal rin akong hindi nakapag-update ng blog. Naging busy kasi ako sa mga ginagawa ko nitong mga nakaraang araw, pero pinapangako ko na mas makakapagsulat ako dito ng mas madalas.  Ayoko nang patagalin ito pero andito ang sampung dahilan kung bakit ako nagpapasalamat ngayong buwan:

Salamat September

1. Manila International Book Fair.  Sa pagkuha sa aming apat nila Carlos Celdran, Tado Jimenez at Ramon Bautista na maging MIBF Bookworms.

2. Raul “Ponj” Roco Jr.  Dahil sa tulong na ibinigay mo noong kami ay nag-shoot ng aming viral videos.

Salamat September

3. Ramon Bautista, Tado Jimenez and Carlos Celdran.  Sa pagtulong sa pagpapalaganap ng pagbabasa sa mga kabataan, libro man o ebook.

Salamat September

4. Stef, Miguel, Blooey at mga kasama namin sa shoot.  Dahil sinupportahan at tinulungan niyo kaming makagawa ng mga viral videos.

Salamat September

5. Psicom Publishing.  Dahil sa inyo may libro kami nila Tado at Ramon.

6. Press people at bloggers.  Kung wala kayo hindi kami mababalita sa mga dyaryo at internet.

7. Mga nag-contribute para sa libro ko.  Dahil sa inyo mas lalong gumanda ang libro ko.

Salamat September

8. Mga fans na nagpunta sa MIBF.  Ang haba ng pila, nakakataba ng puso. Salamat sa lahat ng fans na pumila, nagpapicture at bumili ng libro namin.

Salamat September

9. Readers ng Suplado Tips at Pogi Points.  Kung wala kayo, wala rin ako.

10. Readers ng www.stanleychi.net .  Kung hindi niyo binibisita ang blog ko, baka hindi na ako nag-uupdate masyado.

Sa susunod na linggo, October na.  Sana kung gaano ako ka-busy ngayong September mas maging busy pa ako sa darating na October.  Hanggang sa susunod na blogpost, TCCIC!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!