Bakit Pogi ang mga Bookworm

9/11/2012 stanleychi 0 Comments



doll 1

Marami ang nagtatanong sa akin kung paano makaka-score ng pogi points sa mga girls.  Isa rito ay ang pagiging isang bookworm. Sa madaling salita, kailangan mahilig kang magbasa ng libro.  Andito ang mga dahilan kung bakit pogi ang mga bookworm:

1. Kung walang knowledge, walang power. Hindi lang ako ang unang nagsabi niyan, sinabi na rin yan ni Ernie Baron.

2. Hindi ka magiging boring kausap.  Lalong maiintriga sayo ang mga babae, dahil marami kang alam.

3. Masasakyan mo ang trip niya.  Kung trip niyang magpaka-emo siguradong makaka-relate siya sayo dahil sa mga nabasa mong nobela.

4. Lalawak ang vocabulary mo.  Lalo na kung may pagka-poser ang babaeng nililigawan mo, masisindak siya sa mga salitang gagamitin mo na hindi common para sa mga normal na tao.

5. Magiging creative ka.  Lalawak ang imagination mo, kung mahilig kang magbasa.

6. Hindi ka nalang basta basta magco-copy paste ng mga quotes sa internet.  Dahil ikaw na mismo ang gagawa ng sarili mong quotes na ika-copy paste ng iba.

7. Magmu-mukha kang matalino.  Ayaw ng mga babae sa lalakeng bobo.

8. Bibilib sayo ang ibang tao, dahil intellectual kang tao.  Hindi ka na rin mababansagang jologs.

9. Hindi na uso makipag-date sa coffee shops.  Lahat ng mga pretty girls tumatambay sa bookstores, ibig sabihin naghahanap sila ng bookworm na kagaya nila.

10. You have nothing to lose and everything to gain.  Ang pera nawawala, ang katalinuhan hindi.

Nakakita ka na ba ng lalakeng pangit na may hawak na libro?  Lahat ng bookworms puro conyo, pogi at habulin ng chicks. 

Panoorin niyo itong video para malaman niyo ang secret ko:

MIBF Bookworm Stanley Chi

Paki like at share sa FB, i-tweet niyo na rin para masaya. #MIBF

0 comments:

Have anything to share? Do it here!