Types of Friends

8/26/2012 stanleychi 4 Comments



True friends are hard to find, isa ito sa mga bagay na hindi mo mabibili.  Pero marami ang klase ng kaibigan at mga taong kinakaibigan.  Here are some of the types of friends, sana ay maka-relate kayo.

Types of Friends

  1. Best FriendTaong pinagsasabihan mo ng mga sikreto, alam niya ang lahat ng baho mo.
  2. Close FriendKaibigan na pwedeng kwentuhan ng love life at problema sa trabaho.
  3. Work FriendKaibigan sa opisina, kainuman, at kakwentuhan kapag naba-bad trip ka sa boss niyo.
  4. PR Friend – Kaibigan na nagpapalakas sayo dahil may kailangan siya and vice versa.
  5. Common Friend – Kakilala ng kaibigan mo, ang madalas niyong topic ay ang inyong common friend.
  6. Friendly Friend – Friendly lang talaga siya, kahit hindi kayo close.
  7. Absentee Friend – Madalas siyang wala. Either nasa abroad o sobrang busy lang niya, pero pag nagkita kayo chikahan to the max!
  8. Online Friend – Ka-FB mo, marami kayong napaguusapan sa chat. Pero super ilang kayo sa isa’t isa kapag nagkita kayo in person.
  9. Friend Friend – Hindi naman ka-close pero ok naman kayo pag magkasama.
  10. Fake Friend – Alam mong pina-plastic ka lang niya kapag kaharap, kunwari mabait sayo.  Pero bina-bash ka online at kapag wala ka.

Ingat kayo sa mga kina-kaibigan niyo o sa mga kuma-kaibigan sa inyo.  Baka naman ginagamit ka lang niya para makuha ang gusto niya, ingat din kayo sa mga kinukwento niyo dahil baka gamitin nila yan laban sa inyo.

4 comments:

  1. Meron akong kakilala na best friend ang turing saken pero para saken, simpleng kakilala lang sya.. Anong tawag sa ganong klase ng pagkakaibigan? Haha..

    ReplyDelete
  2. hi sir stanley... sobrang idol ko kau! sa wakas, matapos ng matagal na paghahanap, natagpuan ko narin ang blog nyo!

    ReplyDelete
  3. @ Kim: Baka may crush lang siya sayo! :)
    @ The Dragon Scribe: Salamat! Apir tayo diyan! :)

    ReplyDelete
  4. hi sir..dahil sainyo may maidadagdag na naman na pangmalakasang diskarte sa bokabolaryo ko..hihi

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!