Paano maging Pogi

8/13/2012 stanleychi 6 Comments



Maliban sa babasahin at susundin mo ang mga payo ko dito, kailangan ay magpakatotoo ka. In English, just be yourself. Alam kong luma na ang kasabihang yan, pero isa ito sa mga pinaka-effective na paraan para magustuhan ng mga chikas.

Pogi Comics

Maging gentleman ka sa lahat ng babae. Alam kong mahirap maging gentleman lalo na kung ayaw mong tumayo sa LRT, MRT, o bus. Pero sa totoo lang, mahiya ka naman. Kahit pangit siya, matanda, o hindi mo type, babae parin siya.

Huwag mong diskartehan nang sabay- sabay ang lahat ng babaeng makukursunadahan mo. Kung may nililigawan ka na o kung may jowa ka na, kailangan stick to one lang. Hindi ko ini-encourage ang pambababae; gawain lang yan ng mga lalakeng insecure dahil pangit sila at maliit ang kanilang you-know-what.

Kung naging jowa mo na ang babaeng niligawan mo, maging consistent ka. Kung ano ang ugali mo noong nanliligaw ka, kailangan ganun ka pa rin pag kayo na. Kilalanin mo rin siya ng maigi. Alamin mo na ang ugali niya at kung masisikmura mo ang lahat-lahat tungkol sa kanya para maging maganda ang samahan ninyo.

Kapag ikaw naman ay na-friendzone, maging sport ka lang. Hindi naman tayo lahat pinanganak na gifted. Malay mo, hindi lang talaga kayo bagay. Pero ok lang yan, dahil sigurado akong gusto mong ipakita sa kanya na nagkamali siya ng desisyon. Magpa-pogi ka at magpayaman – isa-puso mo ang mga nakasulat sa librong ito at kapag isa ka nang gigolo, sigurado akong hindi mo na siya papansinin.

Tandaan lang na being pogi is a choice Kung ayaw mong maging pogi, eh di huwag!

6 comments:

  1. Godlike! Haha. Available pa din po ba sa bookstores yung libro mo sir? I want to buy one. Sana pwede malagyan ng autograph mo. More power po!

    ReplyDelete
  2. @ HarunAdase: Yup available na sa lahat ng bookstores nationwide! :) Suplado is 95 pesos, Pogi Points is 150 pesos.

    ReplyDelete
  3. Hhaha bumili po ako ng suplado sa national book store kaso wala po ung part 1 T_T :(((

    ReplyDelete
  4. pano ba mkkkuha ng advice? sn pde mkausap?

    ReplyDelete
  5. sir ginawa ko na lahat ng payo ninyo.mdli akong mgstuhan ng babae sa una peru lately iisa lng ang nngyayari ang iwanan ako sa gitna ng kawalan na limot at hindi na alintana ang lhat.paasahin..sasabihan na mhal ako at ipinaparamdam then lately ang katagang sorry lamang ang aking ngiging sukli..ndi ko lubos maicp kung sdya lng talaga kong pinanganak na talunan o malas pagdating sa babae ang tanging mgulang at mga kapatid ang nagiging sandalan sa oras na maganap ang lahat..ngayon eto ako ulit single hanggang tingin na lamng sa masasayang ngmamahalan..any other advice sir?i'm jem by the way

    ReplyDelete
  6. Tandaan mo ang katagang, "just be yourself" malay mo habang tumatagal ang pagsasama nyo nagbabago din ugali mo kaya half way palang iiwan ka na.

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!