Bakit Cool Pumunta sa MIBF

8/30/2012 stanleychi 0 Comments



Every September may Manila International Book Fair, 33 years na sila at sigurado akong marami na ang nakapunta sa event na ito.   Para mas madaling maintindihan, sa MIBF nagpupunta ang mga taong mahilig magbasa dahil nandito ang lahat ng mga discounted at mga bagong libro na ibebenta pa lang sa bookstores. 

Bookworm Ramon

Ito rin ang mga dahilan kung bakit cool pumunta sa MIBF:

Bookworm Tado

  1. Dito nilo-launch ang mga bagong libro.  Pa-autograph mo na rin ang libro sa mga book authors.
  2. May mga talks about writing.  Maraming kang makukuhang tips mula sa mga batikang writers.
  3. 10% to 50% off on selected items.  Talo pa nila ang mga bargain sa Divisoria.
  4. Lahat ng publishers nandoon. Kaya kung gusto mong maging isang book author pwede mo silang makilala, magdala ka na rin ng portfolio mo.
  5. Halos lahat ng hard to find books makikita mo sa MIBF.  Pwede ka rin magpareserve sa publishers kung bulk order ang gagawin mo.
  6. Bonding time with family and friends.  Mura na ang entrance dito, mageenjoy pa kayo.
  7. Hindi lang libro ang makikita mo dito.  May mga ibang events din kagaya ng Best of Anime, Superkids, at Facets of Wellness. 
  8. Halos lahat ng Pinoy authors at illustrators ay may schedule na book signing.  Kung gusto mo silang makilala pumunta ka na, pwede ka rin magpa-picture sa kanila!
  9. Dito unang ilalabas ang libro ni Ramon Bautista.  Si Monra palang ulam na, yung libro pa kaya niya!
  10. Pupunta kami nila Tado, Ramon at Carlos.  Ang mga ambassadors ng MIBF makaka-kwentuhan mo, hulaan mo nalang kung ano araw kami nandoon.  (Saturday September 15 ang book signing schedule namin ni Tado and Ramon.)

Bookworm Carlos

Para mas maging cool ka pa, panoorin mo ang teaser video namin!

#MIBF

Like and share on Facebook and Twitter!

Manila International Book Fair

September 12 – 16, 2012

10 AM to 8 PM

SMX Convetion Center, Mall of Asia

0 comments:

Have anything to share? Do it here!