Bakit Cool Magbasa ng Libro

8/30/2012 stanleychi 0 Comments



Ano ba ang pinagkaiba mo sa mga cool friends mo sa school?  Siyempre mahilig silang manood ng mga American sitcoms, manood ng movies at magbasa ng libro.  Ito ang mga dahilan kung bakit cool magbasa ng libro.

stanley poster fb

  1. Madadagdagan ang inyong vocabulary.  Makakagamit ka ng mga malalalim na salita.
  2. You will be a wide reader.  Makaka-relate ka na sa mga conyo friends mo.
  3. Mas makakapaglaro ang inyong imahinasyon.  Dagdag pogi points kapag creative ka.
  4. Tatalino ka.  Dahil dadami ang iyong kaalaman.
  5. Lahat ng superhero matalino at mahilig magbasa.  Sila Tony Stark, Bruce Wayne, Bruce Banner, at Reed Richards ay ilan lang sa mga idol nating superhero na matatalino.
  6. Knowledge is power.  Kung marami kang alam, marami kang matutulungan.
  7. Lahat ng nerds, yumayaman.  Kagaya ni Bill Gates, Mark Zuckerburg, at Steve Jobs.
  8. Nakaka-in love ang mga taong may sense kausap.  Lalo na kung marami kayong napaguusapan at para hindi siya ma-bore ikwento mo yung nabasa mong libro na ginawang pelikula.
  9. Tataas ang grades mo sa school.  Magiging favorite ka pa ng teacher mo.
  10. Kung hindi ka matalino, magmumukha kang matalino.  Kung hindi mo na-gets ito, hindi ka matalino.

At para mas maging cool kayo, pumunta kayo sa Manila International Book Fair.  September 12 to 16, 2012 sa SMX Convention Center, Mall of Asia.  Kitakits!

mibf posterfb

0 comments:

Have anything to share? Do it here!