Unfriend Forever

7/02/2012 stanleychi 0 Comments



Naranasan niyo na bang ma-unfriend, o mang unfriend ng kakilala?  Alam niyo siguro ang pakiramdam ng isang taong na-unfriend o nang unfriend sa Facebook, at Friendster.  Kagaya ng kakilala kong si Perfecta, isa siyang Facebook addict pero bago siya ma-adik sa Fb nauna siyang ma-adik sa Friendster.

Pogi Points

Araw-araw siyang online, kahit anong oras ay nakikibalita siya sa mga kakilala niya at lalo na sa iniistalk niyang si Pekto.  Kapag may bagong picture na naka-upload ang mga kaibigan niya ay hindi niya matiis na hindi ito tingnan, at kapag may bago naman siyang picture ay agad rin niya itong ina-upload at ginagawang profile picture.  Kapag may reunion ang barkada, bago pa magkwento ang isa niyang kaibigan ay alam na niya kung ano ang ikukwento nito, hangang sa nabwisit nalang sila at sabay sabay na inunfriend si Perfecta.  Mula noon ay naging loner na siya at hindi na muling nagpakita sa mga kabarkada niya, tuluyan na rin niyang dinelete ang Facebook account niya. 

Sana ay huwag niyong tularan si Perfecta, hindi na nga siya adik sa Fb pero tuluyan na siyang naging stalker at kasalukuyang hinahanap ng mga awtoridad dahil sa mga taong nagpa-blotter sa kanya. 

Bakit ba may ina-unfriend sa Facebook?  Sino ba ang mga dapat na i-unfriend? 

Kung ganito ang ka-Fb niyo i-unfriend mo na siya:

  1. Stalker siya. Lahat ng ginagawa mo alam niya, dahil hindi lang siya stalker… Naiinsecure din siya sayo!
  2. Tina-tag ka sa mga pictures na wala ka namang kinalaman.  Nakaka-bwisit yun, akala mo ang daming mong notifications, yun pala hindi sayo.
  3. Hater na comment ng comment sa mga pinopost mo.  Naiingit siya sayo, kunwari nang-aasar pero may laman.
  4. Mga taong di mo naman ka-close, at less than 500 ang friends niya sa FB.  Umiwas ka sa mga ganitong friends, baka hindi ito totoong account.
  5. Mga taong ginagamit ang Fb account para magbenta ng kung anu-ano.  Obvious naman na pera lang ang habol niya sa mga ka-Fb niya, kaya i-unfriend mo na siya!

Ok lang naman mang unfriend, wala ito sa dami ng friends sa Fb.  Kailangan quality over quantity! 

I-like at i-share niyo ito sa Fb at Twitter, para friends tayo forever!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!