Top 5 Signs of a Frenemy

7/23/2012 stanleychi 0 Comments



According to the Urban Dictionary a frenemy is an enemy disguised as a friend.  Marami sa atin ay masyadong mabait sa kaibigan, hindi natin alam na ang kaibigan na yun ay isa palang kaaway na naiinggit sa atin. 

Top 5 Signs of a Frenemy

Ganito ang nangyari kay Isko na kaibigan raw ni Benok.  Si Isko ay mabait at masipag, Si Benok naman ay insecure at mayabang.  Matagal nang naiinggit si Benok kay Isko, pero dahil best friend ang tingin ni Isko kay Benok hindi niya napapansin na isa pala siyang frenemy.  Madalas tulungan ni Isko si Benok sa mga gawaing bahay, kapalit nito ay nagpapatulong si Isko sa panliligaw niya sa kapitbahay nilang si Neknek.  Ang hindi alam ni Isko, kapag wala siya si Benok mismo ang nanliligaw kay Neknek.   Nagkatuluyan si Benok at si Neknek, nasira ang pagkakaibigan ni Benok at Isko dahil dito.   Pero mabilis ang karma, dahil si Neknek ay tumaba nang tumaba.  Si Benok naman ay nagmukhang dirty old man.  Si Isko naman ay nagpapogi at naging isang gigolo, hanggang ngayon ay hindi umaamin si Isko na nanligaw siya kay Neknek.

Huwag niyong tularan si Isko na nagpauto kay Benok ng napakatagal, dapat maaga palang ay nilalayuan niyo na ang mga frenemy na kagaya ni Benok.  Eto ang mga signs na dapat niyong malaman.

Top 5 signs of a Frenemy:

  1. Hindi niya nila-like ang mga status mo sa Facebook.  Kasama na rito ang hindi pag-retweet sa mga tweets mo, pero fina-follow ka niya at ka-Fb.
  2. Kapag nagkikita-kita kayo, sinasabi niya ang lahat ng mga achievements mo.  Kung anong achievements o awards ang binabanggit niya, yun ang issue niya sayo.  Pwedeng hindi niya matanggap na magaling ka, o iiniisip niya na hindi mo deserve ang mga na-achieve mo.  Pero kadalasan, gusto niyang magawa ang mga nagawa mo!
  3. Makikipagkwentuhan siya sayo at hihingin ang opinyon mo.  Mag-iingat kayo sa patibong na ito, kaya siya makikipagkwentuhan sayo dahil gusto niya magnakaw ng ideas mula sayo.  Kunwari idol ka niya o kaibigan.  Kapag alam na niya yung gagawin mo, iibahin niya ng konti tapos siya na ang gagawa.
  4. Kapag may bago kang achievement, kunwari hindi niya alam.  Patay malisya lang siya, pero alam niya ang mga nangyayari sa buhay mo.  Pwede na nga siyang magsulat ng libro tungkol sayo eh.
  5. Defensive siya.  Siguradong may mga makakapansin na galit siya o naiinggit sayo, may mga kakalat na chismis at siguradong makakarating sayo.  Humanda ka dahil tatawagan ka niya, at uunahan ka sa pagbalita na kesyo may kumakalat na chismis na galit siya sayo pero hindi totoo.  Palalabasin niyang joke yung chismis, pero sa totoo lang pinagtatakpan niya yung kumakalat na chismis na siya mismo ang nagkakalat.

Marami pang signs kung paano malalaman na ang kakilala mo ay isang frenemy, mga hater o kaaway na nagpapanggap na kaibigan.  Kaya ingat kayo sa mga taong pinagkukwentuhan niyo.  Ok? 

I-like at i-share niyo ito sa Facebook at Twitter, pag maraming nag-like at nag-share gagawa ako ng part 2.  Apir!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!