A Pogi Story: Sipsip sa Office

7/08/2012 stanleychi 0 Comments



Marami sa atin ang marunong mamulitika o sumipsip sa school, office.  Kahit sa mga kabarkada at bagong kakilala, sumisipsip tayo para mapansin lalo na kung may kailangan tayo.  Ikukwento ko sa inyo ang ginagawa ng dating kong katrabaho na si Melencio, bagong pasok pa lang siya sa opisina ay kinaibigan na niya ang lahat ng mga ka-opisina namin.  Mula sa guard hanggang sa pinaka-boss namin ay malakas siya, nagdadala rin siya ng pagkain para sa secretary ng boss namin para hindi siya machismis na tamad at credit-grabber.  Pero isang araw, nabuking rin ang modus operandi ni Melencio.  Napatunayan na hindi lang siya tamad, kundi isa rin siyang credit grabber na walang alam kundi sumipsip sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Wala na akong balita kay Melencio, ang huling kwento sa akin ng mga dati kong ka-opisina ay namamakla nalang siya sa Quezon Ave. at patuloy pa ring sumisipsip sa mga customers niya.

Pogi Story: Sipsip sa Office

Ano ba ang dapat mong gawin para hindi mo na kailangang sumipsip sa office?  Eto ang top 5 ways to earn pogi points in the office:

  1. Huwag male-late.  Iwasan mong may ibabala sila sayo, dahil ito ang pinaka-common na isusumbat sayo ng mga kasama mo!
  2. Be efficient.  Kapag nakita nilang maaasahan ka nila sa trabaho, kahit masama ang ugali mo hindi ka nila pwedeng pag-initan ng basta-basta. 
  3. Maging masipag.  Importanteng makita nila na kung kailangang mag-overtime ay mag-oovertime ka, matapos mo lang kaagad ang trabaho mo.
  4. Matutong makisama.  Kung birthday ni boss at nagpa-inom siya, magpakita ka naman.  Madali nang magpalusot kung kailangan mong umalis ng maaga.
  5. Huwag magkalat ng chismis.  Kahit na masama ang ugali ng boss mo, hayaan mo nalang na iba ang makapansin.  Basta ginagawa mo ang trabaho mo, ayos na yun.

Sana ay nakatulong ito sa inyo para mapansin kayo sa office, huwag niyo akong kalimutan kapag napromote na kayo ha?  Paki like at share nalang din ito sa Facebook at Twitter.

0 comments:

Have anything to share? Do it here!