Pogi Points: Date guide 101

7/20/2012 stanleychi 0 Comments



Pogi Points: Date guide 101

So pumayag na siyang lumabas kasama ka, syempre dapat hindi ka papalpak di ba?  Mahirap nang ma-friendzone lalo na’t malapit na ang December.

Bago makipagdate sa isang babae, kailangan mong paghandaan ang inyong lakad.  Ano ba ang mga dapat mong gawin bago ka makipag-kita sa kanya?

Bago makipag-date:

1. I-confirm ang lakad niyo.  Hassle naman kung ikaw lang ang nakaka-alam na may date kayo di ba?  I-text mo siya o tawagan.

2. Make reservations.  Kailangan alam mo kung saan mo siya dadalhin, kung sa sosyal na restaurant magpa-reserve ka na ng upuan, at dapat alam mo kung ano ang i-oorder mo para sa kanya.  Kung manonood kayo ng sine bumili ka na ng ticket.

3. Bumili ng mga bulaklak.  Magpa-impress ka naman, ibibigay mo yan sa kanya pag sinundo mo siya.  First impressions lasts, saka siguradong kikiligin ang babae kapag nakakatanggap siya ng bulaklak.  Sa Dangwa ka bumili mas mura doon.

4. Magkulong ka muna sa banyo.  Maligo, mag-ayos, mag-toothbrush, kailangan mawala ang pagigging hyper mo at ka-manyakan, alam mo na siguro kung ano ang dapat mong gawin.  Malaki ka na!

5. Sunduin mo siya.  Kung may kotse ka, ayos yun.  Kung wala, magtawag ka ng taxi.  Ayaw niyang sumakay ng jeep at mag-lrt o mrt.  Sayang din ang porma niyo, hassle din kapag umuulan.  Kilalanin mo rin ang parents at mga kapatid niya, para sa susunod kilala ka na nila at may tiwala ang pamilya niya sayo.

Good luck sa inyong date.  Sana ay huwag kang pumalpak sa lakad niyo, at isipin mo nalang na kaya siya sumama sayo ay dahil gusto ka rin niyang makilala.  Sa madaling salita interesado rin siya sayo.

0 comments:

Have anything to share? Do it here!