Facebook Politics

7/30/2012 stanleychi 0 Comments



Facebook Politics

Ang mga taong laging nasa Facebook, marunong din mamulitika.  Pwedeng nagpapapansin o ma-pr lang talaga, pero ingat pa rin kayo sa mga ganitong tao.  Magagamit mo ang mga payo ko kung gusto mong sumipsip, o kung gusto mong umiwas sa mga namumulitikang Facebook friends.

Paano mamulitika gamit ang Facebook:

1. Panay ang “Like” niya sa mga status at pictures na pino-post mo.

2. Nagco-comment siya palagi sa mga status mo, at kinakausap ka niya thru Fb chat.

3. Kapag may pino-promote ka, sine-share nya ang picture mo sabay may tag pa sayo at ang message… “Let’s support Pekto in his _____”

4. Kapag may picture kayo na magkasama, ipopost niya agad sabay tag sayo!

5. Ginagawa niyang cover photo or profile picture ang picture niya na kasama ka!

Kapag may ganito kang Facebook friend, ano ang dapat mong gawin:

1. Huwag masyadong mag-reply kapag nagcocomment siya sa status mo.

2. Mag-offline ka lang sa chat para hindi ka niya kulitin.

3. Pag nakita mo siya, huwag mong gawing big deal ang usapan niyo sa Facebook.

4. Huwag masyadong magpost ng mga pictures at status.

5. Lumipat ka na sa Twitter.

Makamandag ang mundong ginagalawan natin.  Pwedeng kaibigan mo siya ngayon, bukas hindi na.  Kailangan ay kilatisin niyong mabuti ang mga ka-fb niyo, at baka sumisipsip lang siya dahil may kailangan siya sayo.  I-like at i-share niyo ito online, para tamaan yung mga ka-fb na sipsip sayo!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!