A Pogi Story: Looking for a prospect!

6/11/2012 stanleychi 4 Comments



Marami sa atin ang single at naghahanap ng maliligawan o prospect, pero alam niyo ba kung sino ang dapat nating iwasan?  Ikukwento ko ang istorya ng kakilala kong nanligaw at nasawi, alamin natin kung bakit.

Si Juan ay kaklase ko sa UST, niligawan niya ang isa namin kaklase na si Ana.  Araw araw siyang nagpapapansin dito, at tinutulungan siya sa mga assignments at projects sa school.  Hinahatid rin niya si Ana pauwi, at madalas ay nililibre niya ito ng merienda.  Nang matapos ang 1st semester, binasted ni Ana si Juan.  Sa sobrang pagka-depress ni Juan ay lumipat siya ng school at hindi na namin siya nakita hanggang sa pag graduate namin. 

A Pogi Story: Looking for a prospect!

Ayokong ma-depress kayo kagaya ni Juan, kaya kung maghahanap kayo ng prospect siguraduhin niyo ang mga sumusunod:

  1. Hindi mo siya classmate.  Kung binasted ka niya, 4 years din kayong magkikita.  Tutuksuhin pa kayo ng mga classmates niyo araw araw, at kahit graduate na kayo kakantyawan pa rin kayo tuwing may reunion.
  2. Hindi mo siya officemate.  Araw araw din kayong magkikita.  Kung maging kayo, masasakal ka.  Kung hindi, ihanda mo na ang sarili mo sa mga parinig ng mga officemates niyo!  Higit sa lahat, bawal ang magsyota sa office.  Baka matanggal pa kayo sa trabaho! 
  3. Hindi mo siya kapitbahay.  Alam kong convenient manligaw ng kapitbahay.  Kaso pag nabasted ka, malalaman yan ng mga kamag-anak niya.  Malalaman din yan ng nanay mo, at ng mga kapatid mo.  Nakakahiya yun, period.
  4. Hindi mo siya best friend.  Masisira lang ang friendship niyo.  Bakit hindi mo nalang ligawan ang best friend niyang babae?  Pero kung pangit ang best friend niya… Maghanap ka nalang ng ibang best friend!  
  5. Hindi mo siya kamag-anak.  Kadiri yun, wala namang ganyanan!

O ayan, siguro naman ay may natutunan kayo sa nabasa niyo.  Basta’t sundin niyo lang ang mga payo ko para poging pogi kayo 24/7.  I-like at i-share niyo ito sa mga kaibigan niyo ha!

4 comments:

  1. maghanap ng may sense, hindi nonsense

    ReplyDelete
  2. kung liligawan at di serious relationship, hindi tlga appropriate na ligawan ang bestfriend. pero kung seryosohan at ung diretso kasal na, tested na ang pagtatagal ng relationship ng mga magkaibigang naging lovers, kasi pag nagexpire n ang love, magsstay pa din ang friendship. watchathink? :)

    masabi lang naman haha :)

    ReplyDelete
  3. @ N: Korek! :)
    @ Anonymous: Depende yan, kasi kung hindi ka niya type talagang masisira ang friendship niyo. Pero kung type ka niya ayos yan! :)

    ReplyDelete
  4. Ayun. Nakahugot ako ng idea. Wag na magpa-cute sa harap ng bestfriend-slash-crush mo. Lalo na ang pormahan sya, baka masira ang pagkakaibigan. Pero kasi may feelings ako sa kanya ng kaunti. Ayoko mapansin nya kaya nasusupladuhan ko sya konte. Konti lang naman, hindi pa yung sa lebel nyo Master Chi. :) Okay lang ba yun?

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!