A Pogi Story: Dahil break na kayo!

6/11/2012 stanleychi 3 Comments



Nakakalungkot makipagbreak, lalo na kung ikaw ang binreak ng jowa mo.  Masakit sa pride ng isang tao ang iwanan ng kanyang minamahal, pero ganun talaga life goes on!

Ikukwento ko sa inyo ang nangyari sa kaibigan kong si Jeremy (hindi niya totoong pangalan), nang makipag-break sa kanya ang kanyang girlfriend na si Jenny (hindi rin niya totoong pangalan) parang gumuho na ang kanyang mundo.  Ginawa ni Jeremy ang lahat ng pwedeng gawin para makalimutan si Jenny, pero hanggang ngayon ay bitter pa rin siya sa kanilang break up.  Ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin nakakalimutan ni Jeremy si Jenny at kasalukuyang nalang siyang namamakla at tumatambay sa Quezon Ave.

A Pogi Story: Dahil break na kayo!

Ayokong maging bitter kayo sa mga ex niyo, kaya ito ang mga dapat niyong gawin kung nakipag-break sa inyo ang syota niyo:

  1. Magbakasyon ka.  Masyadong stressful ang makipagbreak, mamasyal ka at mag sight seeing.
  2. Uminom ka ng maraming tubig.  Sa sobrang iyak mo, siguradong dehydrated ka.
  3. Matulog ka ng mahimbing.  Kahit hindi ka makatulog, pilitin mo.  Kung hindi ka pa rin makatulog, baka ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nakipagbreak sayo!
  4. I-delete mo na siya sa buhay mo!  I-delete, huwag i-stalk sa FB, Twitter, at sa cellphone, huwag ka rin magpapakwento sa best friend niya ha?
  5. Magpaka-busy sa trabaho.  Binreak ka na nga eh, magpayaman ka nalang!  Sigurado akong makakalimutan mo siya pag naliligo ka na sa salapi!

Kung hindi pa rin gumana ang mga payong ito, baka nasayo na ang problem.  Kailangan lang ng konting tyaga para maka-move on.  Huwag matigas ang ulo a?!

I-like at i-share mo ito sa FB at Twitter, para lalo ka niyang hindi i-break.

3 comments:

  1. nung nagbreak kami ng jowa ko..mahirap talaga alam mu ginawa ko yang#1 sa payo mo then tinapon ko yung sim card ko, ginawa kong busy ang sarili ko and after 1 year,at unti unti nakalimutan ko sya and isang araw nakita ko sya sa mall paakyat ako ng escalator may tumawag sakin ,,'yung ex ko" dedma ngiti lang, wala na talaga kong nararamdaman sa kanya. :D ansaya ...haha

    ReplyDelete
  2. Boss pugad po ba talaga ng pamamakla ang Quezon Ave? hehehe

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!