Ander si Daddy!

6/17/2012 stanleychi 0 Comments



Happy Father’s day sa lahat ng tatay, ngayon ang araw kung kelan tayo nagbibigay pugay sa mga tatay na naghihirap para sa atin.  Pero minsan si tatay madalas takot kay nanay, ander ba siya o pinagbibigyan lang si nanay?

Paano ba natin malalaman kung ander si daddy kay mommy? 

Ander si Daddy!

Eto ang Suplado top 10!

Kung ganito ang tatay mo, malamang ander siya sa nanay mo!

  1. Laging nasa bahay at walang ginagawa.
  2. Si Nanay lagi ang nasusunod sa mga importanteng desisyon sa bahay.
  3. Kapag humingi ka sa kanya ng pera ang sasabihin niya… “Kunin mo sa Mama mo ang pera!”
  4. Tahimik lang si Tatay, si Nanay ang bungangera.
  5. Mas mayaman si Nanay kesa kay Tatay.
  6. Si Nanay ang nag aasikaso sa negosyo niyo.  Kung wala kayong negosyo siya ang nag aasikaso sa pag-aaral, at pag budget sa gastusin sa bahay.
  7. Ang bag ni Nanay Louis Vuitton, ang bag ni Tatay Jansport.
  8. Si Tatay hindi marunong mag-drive, si Nanay marunong mag-drive… Pero may driver pa rin siya!
  9. Taga utos si Nanay, si Tatay naman… Sumusunod lang.
  10. Mas takot ang Yaya mo sa Nanay mo, kesa sa Tatay mo.

Huwag mo ipabasa ito sa mga Tatay niyo a, baka ideny niya lang na ander siya sa nanay mo.

Sana ay nag-enjoy kayo sa pagbabasa sa blogpost na ito, I-like at share sa FB at Twitter a!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!