Signs na hindi ka welcome sa barkada!

5/20/2012 stanleychi 10 Comments



Mahirap maghanap ng mga totoong kaibigan at ka-barkada.  Para hindi ka magmukhang kawawa, kailangan mong malaman kung pina-plastik ka lang ng barkada mo o ginagamit ka lang nila.  Malay mo, matagal ka na palang nakikisama sa mga taong ayaw ka naman palang makasama. 

Signs na hindi ka welcome sa barkada!

Top 10 signs na hindi ka welcome sa barkada:

  1. Hindi mo alam na nagkikita-kita pala sila.  Magugulat ka nalang kapag nakita mo ang pictures nila sa Facebook.
  2. Pag naguusap sila, pa-English English sila.  Pero pag ikaw ang kausap, nagta-tagalog sila.
  3. Ang birthday nila madaling maalala.  Ang birthday mo, nakakalimutan nila.
  4. Hindi sila nagrereply sa texts mo.  Akala mo parang walang nangyari, kahit tawagan mo hindi nila sasagutin.
  5. Kapag niyaya mo sila, hindi natutuloy ang lakad.  Madaling magpalusot kapag di ka nila gustong makasama.
  6. Madamot sila sa pag like sa Facebook status mo.  Wala silang pakialam kung may magandang nangyari sayo.
  7. Sila palagi ang nasusunod.  Ayaw na nga nila sayo eh, bakit ka pa nila pakikinggan?
  8. Wala silang bilib sayo.  Sarcastic ang pagpuri nila sa kakayanan mo, at hindi makapaniwalang may talent ka sa larangan na pinasok mo…  Kung pupurihin ka nila.
  9. Madalas ka nilang pag-tripan.  Binubully ka na, para layuan mo sila.
  10. Uutusan-utusan ka nila.  Dalawa lang yan, alalay ang tingin nila sayo o ginagamit ka lang dahil humihingi sila ng pabor sayo.

Huwag magpagamit at magpauto, sigurado akong may ibang barkadang mas we-welcome sayo.  I-Like at I-Share mo ito sa FB at Twitter, para kumonti ang mga loner.

10 comments:

  1. d mu kelangan ng tropang plastic,, kung ayaw nila sayo gawin mu din sa kanila vice versa,,,

    khym cyrus

    ReplyDelete
  2. alam nyo guys, nakakayamot yung mga plastik lalo na yung mga nasusunog na plastik an sakit sa ilong .XD anyway madami akong kilalang plastik , may mga kaibigan akong plastik e, at nagtataka akopinaninindigan talaga nilang plastik sila, kaya ako pag ayaw ko sa tao sasabihin ko yan straightly at kung anu ayaw ko sayo, hindi yung sasabihin mu pa saiba.. haist sabi ko sa kanila kesa malaman nyo pa sa iba mabuti pang sabihin ko sayo kahit masakit ang katotohanan. XD

    ReplyDelete
  3. If you would not want me. more especially I do not want you!!

    ReplyDelete
  4. bigla na naman akong may naalala sa nabasa ko tsk....tsk....tsk...pero so far so good hindi ko na pinapansin ang ganyang tao kasi waste of time lang.

    kung papansinin pa eh baka hindi magsawa sayo di ba? kaya ang best way na gawin sa mga ganyang tao eh ignore nalang kahit magpapansin pa.



    -marmandy abadilla-

    ReplyDelete
  5. Damin pwedeng maging kabarkada parang emo at hiphop ang genre di pwede pagsamahin kung nerd ka sa nerd ka rin sumama hindi yung nerd ka tapos pinipilit mong sumama sa crowd ng mga party goers.

    ReplyDelete
  6. Ahahaha! May kilala akong ganito pero isa lang siya ehh! lol XD

    ReplyDelete
  7. maraming akong pwedeng tropahin pero mas gusto ko mag isa kesa makisama sa mga taong di ko naman type.. iba pa rin yung tunay na kaibigan. kahit konti lang, sapat na..

    ~killer kim

    ReplyDelete
  8. for me, i'll just pretend first tapos pag may chance na ilaglag sila or isa sa kanila then by all means..

    walang kasing sarap makita ang mga taong gumawa seo ng kalokohan na kusa silang nasisira on their own.. let urself be the "karma" they deserve...

    but then again.. be careful also baka kasi magiba ihip ng hangin... laging tanchahin ang sitwasyon :D hehehe

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!