Signs na hindi ka favorite ni Mommy!

5/13/2012 stanleychi 0 Comments



Lahat ng nanay may favoritism.  Kahit i-deny pa yan ng nanay mo, alam kong hindi ka naniniwala sa kanya.  Nandito ang mga signs para malaman mo kung hindi ka paborito ng nanay mo. 

Signs na hindi ka favorite ni Mommy!

Suplado Top 10: Paano mo malalaman kung hindi ka favorite ni Mommy!

  1. Mas malaki ang allowance ng mga kapatid mo kesa sa sweldo mo!
  2. Ang tawag niya sa mga kapatid mo “Anak”, ang tawag niya sayo “Demonyo”!
  3. Pag nag-aaway kayong magkapatid, kahit ikaw ang tama hindi ka kinakampihan!
  4. Mas kinakampihan pa niya si Inday kesa sayo!
  5. Kapag may ginawa kang mali pagagalitan ka, kapag iba ang nagkamali tatahimik lang siya.
  6. Ang hinihingi niya sa mga kapatid mo pambayad sa cable, sayo pambayad sa Meralco!
  7. Kung bagsak sa exam ang mga kapatid mo, pagsasabihan lang sila. Kapag ikaw ang bagsak sa exam, papaluin ka ng sinturon.
  8. Kapag birthday ng mga kapatid mo, maghahanda. Kapag birthday mo, busy siya!
  9. Para sa kanya gwapo at maganda ang mga kapatid mo.  Ikaw, asa ka pa!

  10. Kapag nilalambing ng mga kapatid mo si nanay, ang sweet nila. Kapag nilalambing mo si nanay, makulit at bwisit ka!

Happy Mother’s day sa lahat ng mga nanay, magiging nanay,

aksidenteng naging nanay, at tatay na gustong maging nanay!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!