A Pogi Story

5/17/2012 stanleychi 0 Comments



Good Boys Finish Last!

Maraming lalake ang natotorpe at hindi alam ang gagawin tuwing nakikita nila ang kanilang crush,  katulad nalang ng officemate kong si Karl.  Madalas siyang magpapansin sa dinidiskartehan niyang si Ann, pero hindi siya type nito dahil masyado siyang good boy. 

A Pogi Story

Ginawa niya ang lahat, noong nalaman niya na ang pagiging good boy niya ang dahilan ng pagka-friendzone niya kay Ann.  Nagsuot siya ng hikaw sa kanan na tenga, nagpaka-emo, nagsusuot palagi ng black shirts, dati hindi siya nagmumura pero para kay Ann natutunan niyang magsalita ng gago, tanga, at bobo.  Pero huli na ang lahat at tuluyan na siyang ginawang kuya-kuyahan ng kanyang pinag-papantasyahan, at kasalukuyan nalang siyang nagkukulong sa banyo at iniisip si Ann.  Ang loser di ba?  Ayokong mangyari sa inyo ang nangyari kay Karl kaya andito ang mga dapat niyong gawin upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

  1. Huwag maging uto-uto.  Alam ng babae kung patay na patay ka sa kanya, huwag ka masyadong obvious.
  2. Ipakita mo kung sino ka talaga.  Kung good boy ka talaga, kailangan tanggapin ka niya.  Huwag kang magbabago para lang magustuhan ka niya, ka-plastikan ang tawag dyan.
  3. Huwag matotorpe.  Sabihin mo na kaagad yung nararamdaman mo, kung torpe ka mate-turn off lang siya at iisipin niyang hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sa kanya.
  4. Magpaka-gentleman ka.  Konti nalang ang gentleman ngayon, iisipin niyang endangered species ka at mag-iisip isip na good catch ka.
  5. Kung na-friendzone ka, maghanap ka ng iba!  Lalo siyang maiinis sayo kung habol ka ng habol sa kanya, lalaki pa ulo niya kasi kahit nabasted ka na… Patay na patay ka pa rin sa kanya.

Sana makatulong ang mga payong ito sa mga torpedong nagbabasa nito, i-like o i-share niyo ito sa Facebook ha?  Share your blessings!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!