A Pogi Story: Unfriend Zone

5/24/2012 stanleychi 8 Comments



Naramdaman mo na ba kung paano ma-unfriend sa Facebook?  Noong hindi pa uso ang Facebook siguro naman alam niyong may Friendster, pero uso na nun ang pag-unfriend.  Huwag sana kayong matulad sa kaibigan kong si Dan, dinelete siya ng dinidiskartehan niyang si Renee sa Friendster.  Bakit siya dinelete?  Simple lang, dahil sa sablay na diskarte.  Akalain mo ba namang barahin niya ng diretchahan ang babaeng crush niya, kaya ayun na-karma siya.

Ngayong uso na ang Facebook, hindi pa rin sila magkaibigan.  Baka nag-aantayan kung sino ang maunang mag-invite, pataasan sila ng pride.  Langhiyang pride yan!

A Pogi Story: Unfriend Zone

Kung sakaling na-unfriend ka na ni girlie, eto ang mga dahilan kung bakit ka niya dinelete sa FB:

  1. Hindi ka niya type.  Baka kinukulit mo siya, o naisip niyang may pagka-stalker ka.
  2. Naiinis siya sayo.  Ang yabang mo kasi, saka malay mo pinagpalit mo siya sa mas magandang babae.
  3. Wala siyang mapapala sayo.  Wala kang connections, hindi mo friends ang mga sikat, paano ka niya gagamitin?
  4. Nagbabawas siya ng friends sa FB.  Feelingera lang talaga siya!
  5. Hindi ka niya kilala.  Yan ang napapala ng kaka-invite sa mga taong pinagnanasahan mo, kahit hindi mo sila kakilala.  Hindi porke’t may common friends kayo, ayos na!

Dahil alam mo na ang mga dahilan kung bakit ka dinelete, ito naman ang dapat mong gawin kung nalaman mong ikaw ay dinelete:

  1. Move on.  Kailangan parang walang nangyari.
  2. Huwag mong damdamin.  Ganun talaga, mahirap sa umpisa pero masasanay ka rin.
  3. Huwag masyadong mag-online.  Adik ka na kasi sa FB, kaya ka apektado!
  4. Be happy. Isipin mo nalang, papangit din siya!
  5. Think positive.  At least alam mong hindi na masasayang ang oras mo.

I-like or share mo naman ito sa Facebook o Twitter,  para siguradong hindi ka niya i-unfriend.

8 comments:

  1. "Be happy. Isipin mo nalang, papangit din siya!"

    PANALO. FTW.

    ReplyDelete
  2. Masubukan nga ito, astig! Nice 1, Sensei! =)

    ReplyDelete
  3. pag inunfriend ka i-block mo. ganun ang suplado! :)

    ReplyDelete
  4. nakunsensya naman ako madalas kasi ako mag unfriend ,,at till now may tao akong inunfriend at hindi ako nagaantay na iadd nya ko ulet dahil hindi na nia yun gagawin.haha

    ReplyDelete
  5. @ Jess: Salamat! :)
    @ Anonymous: Magpakilala ka naman hehe! :)
    @ Bajorkx: Apir! :)
    @ MlKi: Ok lang mang-unfriend, unahan lang yan. :)

    ReplyDelete
  6. Nagawa ko na yung number 1 . Kulit kase -___- Palaging gusto magvideochat .

    ReplyDelete
  7. Wow! Sakto ang advice na ito sa araw na ito! Thanks Stanley! :D

    ReplyDelete
  8. may schoolmate akong crush ko. In-add ko sa fb. Antagal i-accept. Nag pm ako ng smiley. Nung sumunod na araw, blocked na ako. Okay, hindi lang naman sya ang crush ko eh. Balang araw, magsisisi sya..

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!