A Pogi Story: Moving On

5/29/2012 stanleychi 4 Comments



Madalas nating marinig ang salitang “Move On” kapag nababasted at kung na-friendzone, pero alam mo ba kung paano mag-move on?  Anu-ano ang mga hakbang para ikaw ay maka-move on? 

A Pogi Story: Moving On

Iku-kwento ko sa inyo ang ginawa ng isa kong kaibigan, itago nalang natin siya sa pangalang Bhoy.  Si Bhoy ay dumiskarte sa isang babaeng nakilala niya sa trabaho,  itago na rin natin siya sa pangalang Inday.  Si Inday ay medyo may crush kay Bhoy, pero dahil si Bhoy ay may pagka-dukha binasted niya ito noong siya ay manliligaw na. 

Sobrang hindi maka-move on si Bhoy dahil first time niyang mabasted ng harapan, at halos anim na buwan siyang nagmumukmok.  Lahat na yata ng pangungulit ay ginawa niya pero ayaw na talaga ni Inday sa kanya.  Hanggang ngayon ay nagmumuni-muni pa rin siya at nangangarap na maging sila ni Inday.  Ang moral lesson sa kwentong ito ay dapat basahin niyo ang blog ko para sa mga tips at love advice, talagang walang maidudulot ang pagiging martyr.  

Ito ang mga dapat gawin para maka-move on:

  1. Maghanap ng iba.  Kapag may nakilala kang mas maganda sa kanya, may chance na makalimutan mo siya!
  2. Magpa-pogi ka.  Kung kamukha mo na si John Lloyd, maiisip mo na hindi mo pala ka-level ang babaeng nambasted sayo!  Malay mo siya na ang magka-crush sa’yo at pwede ka nang gumanti.
  3. Magpa-yaman ka.  Kung hindi ka talaga pogi at wala kang itsura, pwede kang magpa-retoke ng mukha.  Hi-tech na ngayon, walang imposible!
  4. Lumayo ka sa babaeng nambasted sayo.  Kung araw-araw mo siyang nakikita, mas mahihirapan kang makalimutan siya!
  5. Burahin mo siya sa Facebook, i-delete ang number niya sa cellphone, at huwag i-follow sa Twitter.  Binasted ka na nga eh, huwag ka nang maging stalker!

Ayan sana ay makatulong ito sa mga taong heartbroken.  Huwag niyo nang gayahin si Bhoy, na paulit-ulit na nangungulit kay Inday.  I-like at I-share niyo ito sa FB at Twitter, para mas mabilis ang inyong pag-move on.

4 comments:

  1. napakataba talaga ng utak mu senpai chi,,, much relate aq dito.. sana mameet kita... wala aq ng mga book mu pero nabasa q na yung suplado tips na una salamat sa tropang nagpahiram.. wala din aqng mga acc para ma follow ka.. pero fan mu q at alam q rin na suplado ka..

    khym cyrus

    ReplyDelete
  2. Hi Khym,

    Salamat at natutuwa ka sa mga sinusulat ko, sana mameet din kita. Punta ka sa Book Fair sa darating na September sa SMX-Mall of Asia, I-Google mo nalang ang schedule ng exact date pero andun ako sa Psicom booth at 50% off ang lahat ng books nila.

    Apir!

    ReplyDelete
  3. related sa #4 and 5 "out of sight, out of mind"

    N

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!