Suplado Survey

4/04/2012 stanleychi 0 Comments



Since I have been doing man on the street surveys on TV, I thought of creating a fun survey for everyone reading my blog. 

Suplado si SimSimi

There are no right or wrong answers to the questions, but I do hope that you will enjoy answering the Suplado Surveys!

Gaano ka ka-tanga?
1. Mukha lang akong tanga, pero bobo talaga ako!
2. Nagta-tanga-tangahan lang ako, para hindi mo ako utusan!
3. Tatanga-tanga lang ako, pero masipag ako!
4. Sabi ng teacher ko, tanga ako! Ang sabi ko... "You're fired!"
5. Tanga nga ako pero mas mayaman ako kesa sa inyo!

Gaano ka ka-kups?
1. Umiikot sa akin ang mundo!
2. Nambu-bully ako!
3. Malakas akong mang-asar, pero pikon ako!
4. Troll ako sa mga taong kina-iinggitan ko!
5. Sisiraan ko siya ng patalikod, pero tatahimik ako pag kaharap ko siya!

Gaano ka katagal mag-tampo?
1. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin hanggang sa kabilang buhay.
2. Magtatampo ako sayo, pero pag nilibre mo ako bati na tayo!
3. Pag nagsorry ka, makikipag-plastikan pa rin ako sayo.
4. Aantayin kong makarma ka, para quits na tayo.
5. Ipapa-alala ko yung ginawa mo sakin ng paulit-ulit para hindi mo na gawin, kahit na nagpa-plastikan nalang tayo.

Gaano ka ka-kapal?
1. Palagi akong nagpapalibre!
2. Kung kaya kong hingin, hindi ko bibilhin.
3. Magpaparinig ako para bigyan niyo ako.
4. Kahit ako nagyaya, Kanya-kanya parin ang bayad.
5. Sumusulpot ako kahit hindi ako imbitado.

Gaano ka ka-Pogi?
1. Ako lang ang Pogi, lahat kayo pangit!
2. Pogi sa picture, pero pangit sa personal.
3. Ginagamit ko ang ka-Pogian ko para mamakla!
4. Lahat kayo Pogi, ako lang ang pangit.
5. Pogi ako sabi ng nanay ko!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!