Sino ka sa Avengers?

4/25/2012 stanleychi 5 Comments



Lahat ng barkada parang Avengers.  May lider, may utusan, may sunud-sunuran, at meron ding sabit.  Sa listahang ito malalaman niyo kung sino ka sa barkada niyo, o kung ano ang silbi mo sa mga kaibigan mo.  Kapag naka-relate ka i-share mo naman ito sa Twitter o Facebook, huwag mong solohin!

Sino ka sa Avengers?

  1. Captain America - Mahilig kang mag-lider lideran, masyado ka ring makabayan.  Yun nga lang puro imported products lang ang binibili mo, at kung babarkadahin kita siguradong approve ang US Visa ko.  Madalas rin kayong magkapikunan ni Iron Man.
  2. Iron Man - Mayaman ka at pogi, yun nga lang ang lakas mong uminom at may pagka-irresponsable ka.  Hindi mo pinag-hirapan ang yaman mo kaya pa-petiks petiks ka lang.  May pagka-creative, techy at mahilig mag-imbento ng kung anu ano basta huwag lang kwento!
  3. Thor - Anak ka ng Diyos, literal.  May pagka Robin Padilla ang asta mo, pero nadadala mo.  Iba talaga ang masyadong blessed lalo na pag alam mong mahal ka ng tatay mo!
  4. Hulk - Mabilis kang magalit, loner, at pala-sigaw.  Ikaw yung pinaka-tahimik sa barkada, pero kapag nagsalita ka nakikinig ang lahat.
  5. Nick Fury - Magaling kang mag-utos, kumbaga sa basketball team ikaw ang team manager.  Marami kang pera kaya ka nila pinakikingan, powerful ka din kasi marami kang kakilalang mayayaman na pwedeng mapakinabangan.
  6. Hawkeye - Ikaw yung madalas utusan ng mga ka-barkada mo, hindi ka mayaman kaya nga pana lang ang weapon mo eh.  Hindi ka nila pinagbabayad sa mga lakad dahil alam nilang dukha ka!
  7. Black Widow - Nakaka-libog ka lang!  Yan lang ang talent mo,  Beauty! 
  8. Spider Man - Kaibigan ka ng barkada, nasa reserved list kumbaga.  Ikaw yung madalas na hindi nakakasama sa mga lakad dahil busy ka sa jowa mo o minsan nakukupalan ka lang sa mga kasama mo.
  9. Wolverine - Gusto mong sumali sa barkada, kaso hindi ka nila trip!  Madalas ka nilang pinag-uusapan kapag wala ka, at ikaw yung hindi niyayaya sa mga lakad.  Para sa kanila, hindi ka cool.  Mas welcome ka pa sa X-Men!
  10. Ant Man – Ikaw yung saling pusa sa grupo!  Madalas nilang makalimutan ang birthday mo kahit na may nakalagay na reminder sa Facebook.

5 comments:

  1. hahaha!


    panalo tong list na to, master!

    ReplyDelete
  2. haha!

    Panalo tong list na to master!

    ReplyDelete
  3. I'm Spider-Man. Kudos Sir Stan. :)

    ReplyDelete
  4. dabest! hirap maging black widow! haha!

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!