Signs na binobola ka lang niya!

4/30/2012 stanleychi 2 Comments



Sigurado akong marami kayong nakakausap araw-araw, sa office, school, parties, at kung saan saan.  Ito ang mga kailangan niyong malaman kung binobola ka lang niya.

Signs na binobola ka lang niya!

Top 10 signs kung binobola ka lang ng kausap mo:

  1. Nakakaloko ang ngiti niya habang kausap ka.  Common sense dude, alam mo na siguro kung anong klaseng ngiti yun.
  2. Palagi ka niyang pinupuri, kahit na alam mong palpak ka.  Ganyan talaga kapag may kailangan siya sayo!
  3. Kahit na pumangit ka, sasabihin pa rin niyang maganda ka.  Kasama na dito yung pagpuri sa baduy mong porma!
  4. Alam mo nang mataba ka, pero para sa kanya pumayat ka.  Kahit na alam niya malakas kang kumain, panay pa rin ang sabi niya ng “Kumain ka nga, ang payat payat mo eh!”.
  5. Panay ang like niya sa Facebook status mo.  Nagpapapansin kasi siya sayo, pwede ring stalker mo siya at tinitingnan ang mga bikini pictures mo!
  6. Exaggerated ang pagpuri niya sayo.  Example: Ang bangko mawawalan ng pera, pero ikaw hindi!  Sabay utang.
  7. After ka niyang purihin, hihingi ng pabor sayo.  Example: Ang galing mo bro, paano mo ginawa yan?  Baka pwedeng patulong naman dito!
  8. Puro siya pangako kapag kaharap ka.  Example: Promise madadagdagan ang sweldo mo at mapopromote ka.
  9. Hindi ka na tinetext, tatawagan, o kakausapin after ka niyang purihin.  Malamang nakuha na niya ang kailangan niya sayo!
  10. Naka-long sleeves, at naka-ngiti siya palagi pag kinakausap ka!  Salesman yan, pinanganak na talaga siya para mambola.

Ayan ha, na-warningan ko na kayo.  Please like and share this post on Facebook and Twitter, lalo akong ginaganahan magsulat dahil binabasa niyo ang blog ko. 

Paano na ako kung wala kayo? Smile

2 comments:

  1. marami po ako kilalang ganyan!! d nila ako mauuto!! sorry sila..

    ReplyDelete
  2. Hahahaha nice. Totoo lahat haha

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!