Pogi Points: April 2012

4/04/2012 stanleychi 0 Comments



Kapag ang dalawang pogi ay nagsama para mag-usap siguradong puro kalokohan ang magaganap, abangan niyo ang mga susunod na buwan dahil siguradong kayo ay mawiwindang. 

Tado + Suplado + ________ + ________ + ________ = ________

Pogi Points: April 2012

Pogi Points for April 2012:

1. Kapag sinabi ng babae na "Hindi pa ako ready for a relationship eh!" ibig sabihin nun... Nag-aantay pa siya kung may mas mayaman at mas pogi na manliligaw sa kanya!

2. Huwag kang magpapa-alam sa babae kung pwede kang manligaw, Madali kang maba-basted sa tanong na yan!

3. Ipakilala mo siya sa parents mo, para isipin niya na seryoso ka sa kanya!

4. Hindi porke't nakipag-date siya sayo ay type ka na niya, gusto niya lang kumain ng libre!

5. Pag sinabi ng babae na "Parang kapatid lang ang turing ko sayo!" ibig sabihin... "Hindi kita type, dahil masyado kang isip-bata!"

6. Kung nakipag-date ka sa babae at umuwi siya ng maaga, ibig sabihin nun... "Nagsisisi na siya kung bakit siya pumayag makipag-date sayo!

7. Kapag sinabi ng babae na "I'll be ready in a few minutes" ibig sabihin nun... Mag-antay ka ng 2 hours bago ako matapos !

Di baleng ma-delay sa pag-aaral, huwag lang ma-delayed sa menstruation.

0 comments:

Have anything to share? Do it here!