IGMG o GMG?

4/26/2012 stanleychi 5 Comments



Noong nag-speech si Lourd de Veyra sa UP narealize ko na pareho kami ng hirit: “IGMG” (I-Google Mo, Gago!) ang sa akin, at sa kanya naman ay “GMG” (Google Mo, Gago!).  Natuwa naman ako at sumisikat ang mga acronym na ito. (Actually, nagpapasalamat din ako kay Senator Miriam Santiago dahil kung hindi niya sinabi ang salitang “gago” sa impeachment trial, baka hindi napansin ang acronym na IGMG.)

Napansin ko lang na pareho kaming macho ni Lourd de Veyra dahil sa hirit naming dalawa (IGMG at GMG).

Kanina, may nangyari sa Twitter na hindi inaasahan. Nananahimik ako nang ito ang bumulaga sa akin:

IGMG o GMG?

Ayoko na sanang pumatol dahil di ako pumapatol sa troll, ngunit nung i-check ko kung sino yung nagtweet, mukhang totoong tao naman siya at hindi naman siya malisyoso. Kumbaga, gusto lang niyang malaman ang katotohanan. Lahat naman ay naidaan sa magandang usapan.

Ngunit, dahil sa nangyaring iyon, gusto ko ipakita sa inyong lahat itong video na kinuha sa book launch noong March 24, 2012. Ginamit ko dito ang IGMG bilang tagline ng aking Suplado Tips 2 Book Launch. (At oo, mas nauna itong nangyari ng mga isang buwan bago nagsalita si Lourd de Veyra sa UP.)

IGMG: SUPLADO TIPS 2 Book Launch

Sa mga nakapunta sa Suplado Tips 2 Book Launch, maraming salamat! Andoon sina Ramon Bautista, Tado Jimenez, ang bandang Bakeshop, at ang mga rap battle emcees na sina Harlem, Juan Lazy, at Shehyee.

Sa mga hindi nakapunta, tignan niyo na lang ang poster na ito para hindi naman kayo masyadong naka-miss-out sa isang masayang book launch:

IGMG

Ito rin ang link ng blog post ko noong November 2011 kung saan una kong isinulat ang IGMG:

IGMG

 

At bago niyo sabihin na si Lourd de Veyra naman ang nanggaya sa akin, ito na lang ang isasagot ko:

Hindi lahat ng pareho, nag-gayahan lang. Ang mga tao, pag minsan,
pareho lang talaga mag-isip, lalo na kung parehong matinik!

Huwag kayong mahiyang i-share ito sa Facebook niyo o di kaya ay i-like. (Alam ko kasing mahilig kayo sa tsismis eh, lalo na kung tulad namin ni Lourd de Veyra ang involved, dahil ampopogi namin!)

5 comments:

  1. " i google mo kasi ,ganda/pogi". ganda na lang ako, wag na ogag.inoy nal ang yon ni lourd.

    ReplyDelete
  2. Idol ka talaga ser! ang galing mong magdala.More power sa pagiging suplado! =)

    ReplyDelete
  3. ung prof. ko, alam na nya ung GMG,student p lng daw xa nung gnmit nya un. nalaman din nmin yun nung 2010 sa knya. kaya knya knya lng tayo kung san yung tunay na source.

    ReplyDelete
  4. @ Zell: Alam mo, tama ka dyan. Malamang hindi nga ako ang nagsimula ng IGMG sa buong universe. Ang sinasabi ko lang naman hindi ko ginaya si Lourd. :)

    Speaking of pogi (tulad namin ni Lourd) may bagong book na lalabas tungkol sa ka-pogian, abangan niyo soon!

    ReplyDelete
  5. @ Nant: Salamat! :)
    @ Tess: Apir! :)

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!