What Would Stanley Do?

3/05/2012 stanleychi 3 Comments



What Would Stanley Do?

So nabasted ka na ng nililigawan mo, pero hindi mo alam kung ano ang gagawin mo.   Madali lang yan, maghanap ka na ng iba!  Ang ratio ng lalake sa babae ay 1:4.  Ibig sabihin nun, sa isang batang lalake na pinapanganak ay may apat na batang babae na pinapanganak, gets mo? 

Pero dahil nabigo ka sa pag-ibig alam kong hindi mo gagamitin masyado ang utak mo, at siguradong mas mananaig ang paghihiganti sa babaeng nambasted sayo!  Mag-move on ka na bro, sayang lang ang oras mo sa kanya. 

Pero kung gusto mo talagang malaman kung ano ang mga dapat mong gawin para ikaw ay makaganti o maka-move on…  Ito ang top 10 things to do kapag binasted ka ng isang babae, para maka-move on:

1. Bilangin mo kung magkano ang nagastos mo sa kanya.  Pambayad sa taxi, sine, pagkain, regalo, at pati ang load na nagamit.  Kapag narealize mong malaki ang nagastos mo sa kanya at binasted ka lang,  siguradong magsisisi ka kung bakit mo siya niligawan.

2. I-block siya sa lahat ng social networking sites, at burahin mo na rin ang number niya sa cellphone.  Mas ok na yung hindi mo siya makikita, para hindi ka na masaktan, at kapag nagtext siya magrereply ka ng “Hus dis?” 

3. Magtrabaho ka ng magtrabaho, o kaya mag-aral ka ng mag-aral!  Kapag naging successful ka sa career in the future, pagsisisihan niya kung bakit ka niya binasted.

4. Magpa-pogi ka!  Kapag nakita niya na bigla kang pumogi manghihinayang siya kung bakit ka niya binasted, at kapag siya naman ang nagpa-cute ikaw naman ang mambabasted sa kanya!

5. Sumali ka sa mga fun run, o kaya maging active sa sports.  Marami kang makikilala sa mga ganyang activities.  Healthy ka na, hindi ka pa nalulong sa masamang bisyo!

6. Huwag masyadong mag- surf sa internet.  Magpaka-busy ka naman sa ibang bagay, baka naman stalker na ang tingin niya sayo kaya ka niya binasted.  Ipakita mo na mas may mga importante ka pang mga dapat gawin kesa mag-mukmok sa kwarto, at sinusuntok ang pader!

7. Isipin mo kung ano ang mga masasamang ugali ng niligawan mo.  Mas lalo mo siyang makakalimutan kapag naalala mo na ginagamit ka lang niya at pinaglalaruan lang ang feelings mo.

8. Huwag kang makikinig ng love songs.  Nabasted ka na nga eh, bakit ka pa makikinig ng love songs di ba?  Magbasa ka kaya ng libro, try mo yung Suplado Tips.  Marami ka pang matututunan doon.

9. Gastusan mo ang sarili mo.  Mahalin mo ang sarili mo, kumain ka ng value meal.  Bumili ka ng laptop, tablet pc, o kaya ng mga bagong damit.  Ipakita mo na hindi ka apektado at masayang masaya ka sa buhay mo dahil hindi mo na siya nililigawan.

10. Supladuhan mo siya!  Kunwari parang walang nangyari, magtataka yun dahil iisipin niya na hindi na siya maganda sa paningin mo.  Sigurado akong magpapapansin siya sayo, at kung hindi naman… Ipagdasal mo na balang araw ay tataba rin siya at papangit!

3 comments:

  1. mahirap gawin yung no. 4,kakainis!hehe

    ReplyDelete
  2. @ Lazychimp: Have faith, kaya mo yan! :)

    ReplyDelete
  3. hehe, tatandaan ko po yung no. 6, no. 8 at no. 10

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!