Pogi Points for March 2012

3/05/2012 stanleychi 2 Comments



Pogi Points for March 2012

1. Kapag sinabi ng babae sa kanyang manliligaw ang "You're too good for me!" Ibig sabihin nun... "Basted ka sakin, pero sana friends pa rin tayo ha?"

2. Ang mga pogi hindi lang sa Valentine's nagiging gentleman, kailangan all year round!

3. Kapag sinabi ng babae na "I think, were better off as friends!" Ibig sabihin nun... "Huwag mo na akong kulitin, baka taguan na kita... Huwag ka ring umasang magiging friends tayo dahil nandidiri ako sayo!"

4. Treat her like a princess, para hindi siya ma-turn off sayo!

5. Kapag sinabi ng babae na "I think, I like you!" ibig sabihin... "Type sana kita kaso, baka pagtawanan ako ng mga friends ko pag naging tayo!"

6. Kapag niyaya mong lumabas ang isang babae at sinabihan ka ng "Di ako sure eh!" ibig sabihin nun... "Di ako sure kung masisikmura kong makasama ka!"

7. "I'm Busy" ang pinaka-common na palusot ng isang babae, kapag ayaw ka niyang kausapin or kung iniiwasan ka niya!

8. Kapag tinawag kang "Kuya" ng babaeng crush mo, ibig sabihin nun... "Hindi kita papatulan kaya huwag ka nang mag-sayang ng oras sa akin!"

9. Alam mong type ka niya kung... dinadalhan ka niya ng pagkain sa bahay, office, or school!

10. Kung alam mong hindi ka niya papatulan, huwag mo nang ituloy!

2 comments:

  1. depende din kung may face value ka. walang kawala ang chix.

    ReplyDelete
  2. @ Carlo: Kung madiskarte ka, magagawan yan ng paraan kahit walang face value. :)

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!