Excuses Excuses!

3/26/2012 stanleychi 0 Comments



Excuses Excuses!

Sigurado akong nagpapalusot ang kahit sino, malamang nagawa mo na ito para hindi sumama ang loob ng kaibigan mo.  O kaya naman eh kamag-anak mo si Pinocchio at pareho nang mahaba ang ilong mo.

Top 10 reasons kung bakit nagpapalusot ang isang tao:

1. Ayaw niyang mapahiya!  Kahit halatang nagpapalusot siya, paninindigan niya ang alibi niya.

2. Natatakot siyang magsabi ng totoo!  Baka kasi magalit ka sa kanya, kaya nag lame excuses na lang siya.

3. Ayaw niyang malaman mo na asar siya sayo.  Kaya nga siya gumawa ng excuse eh!

4. Para maawa ka sa kanya.  Sympathy vote dude!

5. Pag naawa ka sa kanya, pauutangin mo siya.  Malay mo gumana.

6. Gumaganti siya, dahil nagpalusot ka din sa kanya dati.  Ikaw kasi nauna eh!

7. Malihim siyang tao at may hinanakit siya sayo.  Baka masyado lang siyang sensitive.

8. Tinatamad siyang mag-explain.  Dahil baka magtanong ka sa kanya ng kung anu-ano!

9. Hindi ka importanteng tao para sa kanya.  Kaya ok lang kung magalit ka sa kanya!

10. Gusto niyang malaman kung mauuto ka niya.  Paano nga naman siya mangungutang sayo kung alam niyang hindi ka niya mauuto.

Naka-relate ka no?  Sabihin mo na kasi yung totoo, huwag ka nang magpalusot!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!