Salary blues!

2/29/2012 stanleychi 0 Comments



Salary blues!

Maraming empleyado ang naiintriga kung bakit napaka-loyal ng ka-officemate nila sa mga boss nila, simple lang naman ang kasagutan dyan. Malaki ang sweldo nila, syota nila yung boss nila, o pinagnanasahan nila ang taong nagpapasweldo sa kanila para sa susunod isa na rin siya sa mga boss.

Naiinis ka ba kapag pa-banjing banjing lang ang ka-officemate mo, at ikaw lahat ang gumagawa ng trabaho?  Baka naman dapat pareho lang kayo ng workload, pero mas malaki ang sweldo niya sayo. Kaya naman lagi siyang may bagong gadget at nakiki-uso sa mga trends, at ikaw naman ay nagtya-tiyaga sa luma mong 3310 na analogue.

Eto ang top 10 ways para malaman mo kung malaki ang kinikita nila, o pareho kayong nauuto ng iba niyong officemates!

Paano mo malalaman kung magkano ang sweldo ng ka-officemate mo:

1. Kaibiganin mo yung accountant, hr, or boss niyo... Kapag nagkwentuhan kayo madudulas yun.

2. Tanungin mo yung officemate mo kapag close na kayo!

3. Sumabay ka sa kanya sa atm kapag magwiwithdraw na siya at sumilip ng palihim sa account balance niya!

4. Sumilip sa payslip niya kung may pagka-burara siya... Kailangan mabilis ang mga mata mo!

5. Tingnan mo kung ano ang mga gamit niya, kung mamahalin na branded... mag-compute ka ng: Sweldo mo + 5k = Sweldo niya!

6. Utangan mo siya ng 2k… mag-compute ka ng: Sweldo mo + 10k = Sweldo niya!

7. Makipag-kwentuhan ka sa kanya, sabihin mo na pina-pirate ka ng kabilang kumpanya at ino-offeran ka niya ng doble ng sweldo mo, kapag naka-smile siya at natuwa para sayo… Ibig sabihin triple ang laki ng sweldo niya sa sweldo mo!  Kapag natahimik siya at gusto ring mag-apply, malamang pareho kayo ng sinusweldo!

8. Magkunwaring hr ng kabilang kumpanya at hingan mo siya ng resume thru email, at tanungin ang sweldo nya.

9. Kaibiganin mo ang parents niya.  Siguradong ibubuking siya kapag close na kayo!

10. Kung kumpleto siya ng gadgets (Ipad, laptop, Blackberry, Iphone, etc.) ibig sabihin maliit ang sweldo niya sayo ng 3k at anak mayaman lang siya.  Kaya ka rin niyang swelduhan kaya dapat mabait ka sa kanya!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!