Insecurity bites!

2/26/2012 stanleychi 7 Comments



Insecurity bites!

People you know can be easily jealous, especially in the office or school where everyone is competing.  They say that competition brings out the best in everyone, but be careful of these top 10 signs of insecurity!  Kung may ka-officemate kayo o classmate na ganito, hindi mo siya kaibigan kaya kailangang mag-ingat.

1. Alam niya ang lahat ng ginagawa mo. Palaging kang chine-check sa FB, Twitter, etc. Pero hindi niya aaminin na alam niya ang lahat ng ginagawa mo, mahahalata mo lang dahil madudulas siya kapag nagkukwentuhan kayo.

2. Kapag may pumuri sayo sa isang usapan o kwentuhan, hindi niya papansinin. 

3. Halata sa mukha niya na naiinis siya kapag natutuwa sayo ang boss, teacher, or classmates mo.

4. Pabiro ka niyang aasarin, pero kadalasan sa mga pang-aasar niya may laman.

5. Pinu-puna niya ang lahat ng kapalpakan na nagawa mo.

6. Kung mas mataas ang grade mo sa kanya, halatang hindi niya matanggap.  Kung ka-officemate mo naman, kapag mas na-angatan mo siya hindi niya matanggap kasi feeling niya mas magaling siya sayo.

7. Sinisiraan ka kapag wala ka.  Malalaman mo kung sinisiraan ka ng isang tao dahil siguradong may magkukwento sayo ng sinabi niya, o siya mismo ang aamin sa ginawa niya pero gagawan niya ng dahilan o palusot kung bakit niya sinabi o ginawa yun.

8. Nakikipag-kumpitensiya siya sayo sa lahat ng bagay.  As in kung bago ang sapatos mo, bibili rin siya ng bagong sapatos!

9. Hindi ka niya ipagtatanggol kapag nagkagipitan na.  Ididiin ka pa niya!

10. Kapag may kapalpakan kang ginawa, pagtatawanan ka niya.  Pero kunwari kakampihan ka niya pag kayong dalawa nalang.

May gumawa na ba nito sayo sa school o sa office?  Kailangan na silang supladuhan habang maaga pa!

7 comments:

  1. Hahaha.. Lahat yata nasa isanng katauhan lang na mga kakilala ko!!!

    ReplyDelete
  2. @ Ia: Thanks! :)
    @ For the Love: Sino siya, kwento ka naman. :)

    ReplyDelete
  3. marami nyan sa call center. all in one person. ang gamot sa ganyan. deadmahin sila.

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!