Busted o Basted?

2/24/2012 stanleychi 0 Comments



Busted o Basted?

Maraming dahilan kung bakit nababasted ang isang lalake, marami ring style ang mga babae sa pagbasted ng isang lalake. 

The most common is:

Hindi na siya nagrereply sa text at hindi na rin sinasagot ang mga tawag mo sa cellphone. 

Kapag landline naman, lagi siyang wala o busy.  If you’re lucky at nakausap mo siya sa landline or cellphone, gagawa siya ng dahilan para matapos agad yung usapan niyo.

Guys isa lang ang ibig sabihin nito, tinataguan ka na ng girl!

Kapag tinaguan ka na ng babae, ibig sabihin nun:

1. Basted ka na!

2. Hindi niya masabi sayo ng harapan kasi baka umiyak ka sa harapan niya!

3. Kapag binasted ka niya ng harapan, alam niyang kukulitin mo pa rin siya!

4. Baka matawa siya kapag umiyak ka sa harapan niya!

5. Ayaw ka na niyang makita!

6. Hindi ka niya type, pero dahil ang bait mo sa kanya… Hindi niya masabi sayo ng harapan.

7. Nakukulitan na siya at stalker na ang tingin niya sayo!

8. Baka masigawan ka niya at masira ang image niya sayo!

9. Pinagtatawanan ka niya ng patago, dahil kahit anong iwas niya sayo habol ka pa rin ng habol sa kanya!

10. Wala siyang paki-alam kung ano ang mangyayari sayo kaya maghanap ka na ng iba!

Sana ay nakatulong ito sa inyo.  Tandaan huwag maging stalker, maraming chicks dyan!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!