Bakit ka binasted?

2/27/2012 stanleychi 0 Comments



Bakit ka binasted?

So binasted ka pala ng nililigawan mo, normal lang yan.  Nangyayari din yan sa mga ibang lalake na mas pangit sayo.  Pero alam mo ba ang mga dahilan kung bakit ka binasted?  Syempre hindi yan sasabihin sayo ng girl, dahil nakokonsensiya rin siya.  Ayaw rin niyang maghiganti ka sa kanya balang araw kapag pogi ka na at mayaman, at siya naman yung pumangit at tumaba!

Maraming dahilan kung bakit nambabasted ang mga babae, pero ito ang top ten na mga dahilan kung bakit ka binasted ng nililigawan mo!  Ready ka na?  Game!

1. Hindi ka niya type.  In short, pangit ka!

2. Mayaman siya, dukha ka!  Pwede ring sosyal siya, jologs ka o kaya langit siya at amoy lupa ka!

3. Hindi kayo compatible ng ugali.  Baka masyado kang mabait, ang gusto ng mga babae yung maginoo pero medyo bastos.

4. Naiinsecure siya kapag kasama ka niya.  Dahil mas pangit siya sayo, at ayaw niyang nasasapawan siya!

5. Mas babae ka pa kumilos kesa sa kanya.  Kulang nalang magladlad ka sister!

6. Mukha kang manyakis!  Panay kasi ang tingin mo sa mga friends niya, magpa-simple ka naman.

7. Ang type niya yung best friend mo!  Huwag ka kasing bumarkada sa mga mas pogi sayo.

8. Mas matanda ka sa kanya, ng di hamak!  Ang hinahanap niya boyfriend hindi tatay.

9. Ayaw sayo ng parents niya!  Naghahanap kasi sila ng mauutangan!

10. Babae rin ang trip niya!  Akala mo lang naka-boy cut siya, pero mas gusto niyang manood ng wrestling kesa sa Twilight!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!