Suplado Christmas

12/07/2011 stanleychi 0 Comments



Suplado Nino

Being suplado is a 24/7 job, so the holiday season is not an exception.

Here’s your monthly dose of Suplado tips for the month of December:

1. Kung may nagparinig ng "Malamig nanaman ang Pasko ko!" Hiritan mo ng..."Edi mag-jacket ka!"

2. Huwag mong ipapahalata sa babae na crush mo siya, siguradong papalakpak ang tenga nun pag nalaman niya. Kailangan supladuhan mo, para hindi obvious!

3. Maraming nagcacaroling ngayon, patayin niyo ang ilaw sa bahay para kunwari walang tao.

4. Iinom ka ng maraming kape para makakuha ng planner, tapos hindi mo rin gagamitin!

5. May alam ka ba talaga sa Football, o napopogian ka lang sa mga players?

Mga Supladong Hirit ni Mr. Suplado:

1. Palit ka ng palit ng profile picture, hindi naman nagbabago itsura mo!

2. Nag-copy paste ka lang ng quote sa internet, akala mo matalino ka na!

3. Nakiki-usyoso ka na nga lang sa FB eh, ang dami mo pang reklamo!

4. Di bale nang maging Suplado, kesa makipag-bolahan pa ako sayo!

5. Like ka ng like sa FB status, alam mo ba kung ano yung nila-like mo?

0 comments:

Have anything to share? Do it here!