Social Networking Chismis

11/07/2011 stanleychi 0 Comments



Social Networking Chismis

Suplado Story # 7

Madalas tayong maki-usyoso sa mga status message, at tweets sa mga social networking sites.  Kapag natuwa tayo madalas nire-repost, nila-like, or nagcocomment tayo ng “Hahaha, ok yan a!”, “Ayos!” at kung anu-ano pa.  Pero kapag hindi tayo natuwa sa pinost o tinweet ng isang kakilala natin o common friend ng kung sinu-sino, bigla nalang tayo nagrereact ng hindi maganda.  Nagagalit pa tayo kuno o naiinis, kung ano ang trip ng karamihan ginagaya natin.

Yung iba hindi nagcocomment at walang pakialam, yung iba natatakot magsalita dahil baka siya naman ang pag-tripan.  Bago mag-comment ng kung anu-ano siguraduhing alam niyo kung ano ang binabasa niyo, at hindi yung pabigla-bigla ka ng pag-type.

Ito ang nangyari sa kaibigan kong si Pedro, wala siyang ginawa kungdi mag-online sa mga social networking sites para maki-balita, umusyoso, at mang-stalk ng kapwa niya.  Nang minsan ay nagcomment siya ng hindi maganda sa status ng kaibigan niyang si Pedring inulan ito ng katakot-takot na panglalait sa mga ka-Fb niya.  Paano ba naman sineryoso niya ang isang joke sa Fb na sinabi ni Pedring, hiniritan tuloy siya ng… “Ang mga tao mahilig magbasa pero hindi nakaka-intindi!”

Mula noon ay hindi na ka-Facebook ni Pedro si Pedring, hindi na rin sila nagkikibuan at binura na rin siya sa Phonebook ni Pedring.  Madalas mag-text ng “sorry” si Pedro ngunit ang reply na natatanggap niya ay “Hus dis?”.

Supladong Moral Lesson:

Kung makiki-usyoso ka sa status ng kaibigan mo, siguraduhin mong may sense of humor ka! 

0 comments:

Have anything to share? Do it here!