11-11-11

11/11/2011 stanleychi 2 Comments



Suplado November 2011

Suplado November 2011

What’s the fuss with 11-11-11?  I think we all do this every year, last year was 10-10-10.  2 years ago it was 9-9-09, 3 years ago a lot of couples got married on 8-8-08, well after today we will look forward to 12-12-12!   But once a month everyone’s excited for our monthly dose of Suplado Tips.

Suplado Tips for the month of November:

1. Kung nasa bookstore ka at may nakita kang nagbabasa ng libro, magparinig ka ng... "Bookstore ito, hindi public library!"

2. Kung panay ang hirit ng ka-officemate mo ng... "Bitin ang long weekend" hiritan mo ng "Magresign ka nalang!"

3. Kung may nagtanong sayo ng "Ano ang magandang costume para sa Halloween party mamaya?", hiritan mo ng... "Nakakatakot na nga itsura mo, magcocostume ka pa?!"

4. Kung may kakilala kang mali-mali ang pronounciation sa isang salita, hiritan niyo ng... "Talagang hindi mo ba alam yung pronounciation o sinasadya mo lang yan para mang-inis?!" Sabay walk out!

5. Kung may nagkukwento ng ghost stories dahil malapit na ang halloween, hiritan mo siya ng... "Kahit hindi ka magkwento nakakatakot na itsura mo eh!" Sabay harap ng cross sa mukha ng kausap mo!

6. Kung may nagtanong sayo kung pupunta ka sa sementeryo ngayong undas, hiritan mo siya ng... "Hindi! Pero kung ililibing ka na, baka pag-isipan ko pa!" Sabay walk out!

7. Hindi lahat ng nagmamagaling sa office ay nakakatuwa, kadalasan nakakabwisit sila. Kaya dapat silang hiritan ng "Ume-epal nanaman yung isa dyan!"

8. Kung may kakilala kang nagmamalinis at pinagmamalaki pa niya ang kabayanihang ginawa niya, hiritan mo ng... "Sarap manapak ng self-righteous na tao!" Sabay walk out!

9. Kung minamata ka ng ka-officemate mo dahil hindi ka pa-english english, hiritan mo ng... "Sa Pilipinas ka nakatira, umayos ka!" Tingnan mo ng masama sabay walk out!

10. Kung nalaman mong pinamigay sa iba ang regalo na binigay mo, hiritan mo ng... "Sa susunod sakit na ang ireregalo ko sayo, tingnan natin kung maipamigay mo pa yan sa iba!"

Supladong Hirit:

1. Palit ka ng palit ng profile picture, hindi naman nagbabago itsura mo!

2. Kung 30 years old ka na at wala ka pang nagiging syota, dalawa lang ang ibig sabihin nyan... Either pangit ka o masama ugali mo!

3. Kung pangit ang ugali mo, kahit maganda mukha mo... Pangit ka pa rin!

4. Kailangang mag-suplado, kung kups ang kausap mo!

Supladong Trivia:

Suplado is from the spanish verb "soplar" to block or blow away.

Suplado picture of the month:

Suplado November 2011

Jay Ivler

2 comments:

Have anything to share? Do it here!